^

Pang Movies

KC, napuri ng dating asawa ni Gabby  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
KC, napuri ng dating asawa ni Gabby           
KC

Hindi napigilan ang kanyang sarili na sabihin ng da­ting aktres na si Jenny Syquia kung gaano siya ka-impressed kay KC Concepcion, at sa ginawa nitong pagtu­ngo pa sa Sweden para sa kasal ng kanyang kapatid na si Cloe.

Naalala rin ni Jenny na una niyang nakita si KC 28 taon na ang nakararaan nang una itong magtungo sa kanila para makilala at makaharap ang kapatid na si Cloe. Si Cloe ay naging anak ni Gabby Concepcion kay Jenny Syquia matapos silang magpakasal nang makuha na ang annulment ng kasal ni Gabby kay Sharon Cuneta.

Pero hindi rin tumagal ang kanilang pagsasama at nagkahiwalay rin. 

Wala nang narinig tungkol kina Gabby at Cloe simula noong magtungo si Jenny sa Sweden, kasama ang kanyang anak, at muli siyang nakapag-asawa roon.

Si Cloe naman ay legal na inampon ng asawa ni Jenny kaya ang ginagamit niyang apelyido ay Skarne.

Pero tila ang kakulangan sa pakikipag-ugnayan ng kanilang ama sa kanyang mga kapatid ang siya namang gap na pinupunan ni KC.

Malapit din kay KC si Garie, na actually ay sumunod sa kanya at anak ni Gabby kay Grace Ibuna. Ngayon mapapansin din na malapit siya sa dalawa niyang maliliit na kapatid na sina Samantha at Savannah.

Para bang si KC, walang masamang tinapay sa kanya eh. 

Hindi siya naging bitter kung nagkahiwalay man ang kanyang mga magulang at may mga kapatid siya sa iba. Makikita mo sa kanyang attitude ang mahusay na pagpapalaki at tamang paggabay noong siya ay bata pa, kaya ganyan ang attitude niya. Lola’s girl kasi talaga si KC, practically lumaki siya kay Mommy Elaine, na nagabayan naman siya sa tamang values.

Derrick, masusubukan ang kaseksihan

Sa darating na Lunes, malalaman na natin kung maita-translate ni Derrick Monasterio sa ratings ang napakalakas niyang following bilang isang underwear model. Bilang isang underwear model, mapapansin mo kung gaano karami ang likes at shares na ginagawa ng fans sa lahat ng kanyang pictures, lalo na nga iyong sexy talaga. Mapapansin mo na sa dinami-dami nilang nagmo-model din ng mga underwear, siya ang may pinakamalakas na following.

Ngayon iyong kanyang late afternoon series, lalabas din siyang sexy sa ibang mga eksena. Sexy lang ha, hindi kagaya ng male indie stars na ang ginagawa ay kahalayan. Iyong serye, dumadaan iyan sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), hindi gaya ng mga internet indie na talagang ayaw nilang padaanin sa classification. Kasi kung dadaan sa MTRCB iyon, lahat iyon tiyak na rated X.

Pero paniwala namin, kaya ni Derrick iyan kahit na hindi kilala ang leading lady niya. Siya naman ang pambenta sa serye eh.

Baguhang male star, bine-brainwash na maghubad ng manager 

Inamin ng isang baguhang male star. Bine-brainwash siya ng kanyang manager na kung gusto niyang maging artista sa panahong ito, kailangan na siyang maghubad at ipakita na ang lahat sa mga indie na gagawin niya. Isinasama siya sa isang bagong grupo na gumagawa ng mga indie, na mahahalay rin.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with