^

Pang Movies

Rita at Dingdong, mabigat ang laban sa FAMAS

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Four months pregnant na ngayon ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela and due to give birth sa buwan ng January 2023.  Ito ang inamin niya sa amin nang magkita kami last Saturday evening (July 23) sa FAMAS Nominees Night na ginanap sa Sampaguita Gardens Events Place in Quezon City.

Since four months pa lamang ang kanyang ipinagbubuntis, hindi pa umano niya alam ang gender ng magiging first baby  courtesy of her non-showbiz boyfriend na ayaw niya i-reveal  hanggang ngayon.

Si Daniela ay isa sa mga nominadong Best Actress para sa pelikulang Huling Araw sa Tag-ulan sa darating na ika-70th FAMAS Awards na gaganapin sa Metropolitan Theater sa darating na Sabado, July 30.

Makakalaban niya for the same category sina Charo Santos-Concio (Kun Maupay Man an Panahon), Sharon Cuneta (Revirginized), Maja Salvador (Arisaka), Nicole Laurel Asencio (Katips) at Janine Gutierrez (Dito at Doon).

Samantala, isa ang Kapuso actor-TV host at entrepreneur na si Dingdong Dantes sa mga nominado bilang Best Actor (A Hard Day). 

Makakalaban ng mister ni Marian Rivera sina Christian Bables (for Big Night), Vince Tanada (Katips), Jerome Ponce (Katips), Daniel Padilla (Kun Maupay Man an Panahon) at Mon Confiado (Arisaka).

Co-actor ni Dingdong sa A Hard Day ang isa pang award-winning actor na si John Arcilla na nominado naman sa pagka-Best Supporting Actor (A Hard Day) maging sa pelikulang Big Night.

AngA Hard Day ay Philippine adaptation ng K-movie of same title.  Ito’y dinirek ni Law Fajardo under Viva Films. 

Alodia mabilis naka-move on kay Wil, engaged na sa negosyante

Engaged na ang popular social media influencer, cosplayer and gamer na si Alodia Gosieangfiao sa kanyang non-showbiz and businessman boyfriend na si Christopher Quimbo na kanyang ibinahagi sa kanyang IG last Saturday, July 23.

It was only last November 2021 nang mabalita ang paghihiwalay nina Alodia at dati nitong boyfriend, ang kilalang content creator na si Wil Dasovich.

It seems na madaling nakapag-move on ang dalawa dahil nakilala ni Alodia si Christopher na kahit wala pa silang isang taon bilang magkasintahan ay agad itong nag-propose ng marriage sa kanya. 

Si Wil naman ay mukhang nakatagpo ng bagong pag-ibig sa katauhan ng actress na si Carla Humphries na bumalik sa Amerika nung February 2020 para subukan ang panibagong buhay doon. 

Hindi man naging madali ang journey ni Carla, now using her real name na Madeleine Humphries, ay unti-unti rin siyang nakapag-adjust sa kanyang buhay doon until mag-krus ang kanilang landas ng ex-boyfriend ni Alodia na si Wil.

Ipinakilala na ni Wil si Madeleine (Carla) sa kanyang pamilya sa Amerika.

Ex-PBB, ayaw pakialaman ng anak sa paghuhubad

Inamin ng ex-PBB teen housemate-turned sexy star na si Jamilla Obispo na 17 years old pa lamang umano siya nang siya’y maging isang dalagang ina.  Pero hindi umano ito naging balakid sa kanyang pangarap na ipagpatuloy ang kanyang karera bilang aktres laluna na ngayon na almost 17 years old na at isa nang tinedyer ang kanyang son.

Nauunawaan umano ng kanyang anak na ang kanyang pagpapaseksi ay bahagi lamang ng kanyang trabaho bilang aktres kaya hindi umano sila nagtatalo tungkol dito.

“Actually, wala siyang (anak) pakialam sa trabaho ko,” natatawang pahayag ni Jamilla sa presscon ng kanyang upcoming movie na  Wag Mong Agawin ang Akin na dinirek ni Mac Alejandre at mapapanood sa Vivamax streaming app.

vuukle comment

FAMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with