^

Pang Movies

Miguel at Ysabel, nagkamabutihan sa Voltes...?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Miguel at Ysabel, nagkamabutihan sa Voltes...?!
Miguel at Ysabel

Bongga talagang pinag­hahandaan ng GMA 7 ang kanilang version ng Voltes V : Legacy.

Imagine, sa 2023 pa pala ito mapapanood.

At nabasa ko ang sinabi ng batikang direktor na si Mark Reyes na worth it  naman daw ang matagal na paghihintay ng viewers para sa pag-ere nito.

Bibida sa remake na Voltes V: Legacy sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at marami pang iba.

Siyempre, excited din akong mapanood na bida sa Ysabel.

Pero teka bakit kaya nababalitang nagkakamabutihan na sina Miguel at Ysabel?

Naku ha, dapat madiskubre ko ang totoo.

Nakaka-sentimental…

Ewan ko pero talagang medyo sentimental ka siguro ‘pag nasa hospital ka. Talagang little things you appreciate at grateful ka.

I feel so much love sa mga nagte-text at message to check on me. At talagang kahit pa nga hindi puwede ang dalaw nagpapadala ng flowers and fruits to cheer me up. Bongga si mama Tenten ni Alden Richards na talagang hindi tumigil hanggang hindi napapadala ang orchids ni Alden.

Ang balloon collection ni Mayette at Vanni Patillas na mukha tuloy premier night ang room ko, kaloka talaga.

Will never forget the love na ipinadama n’yo, will be forever grateful. Saka kayo, Salve at Gorgy, naku, ilagay ko kayo sa aking pamamanahan dahil inalagaan n’yo ako. Kahit tuloy feeling ko alone ako dahil nag-iisa lang ako parang complete pa rin dahil nga sa friends na nandiyan para tulungan ako.

Thank you talaga. Spoiled brat ako ng langit, kaya nga alive and kicking pa. Thank God.

vuukle comment

MIGUEL TANFELIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with