^

Pang Movies

Enrique is back, magkakaroon na ng bagong ‘loveteam’

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Enrique is back, magkakaroon na ng bagong �loveteam�
Enrique

Mukhang may bagong gagawing pelikula si Enrique Gil base sa tweet ng ABS-CBN Films head na si Kriz Gazmen.

Nag-post si Kriz ng isang group picture kung saan ay makikita sila ni Quen with other ABS-CBN creatives and executives kabilang na ang Star Magic head na si Laurenti Dyogi. Kasama rin sa larawan ang ina ng aktor na si Bambi. “So exciteeeeeed!!! Look who’s back #ItsAboutDamnTime,” ang caption ni Kriz.

Matatandaang mahigit dalawang taon na ring hindi napapanood sa screen si Quen. Last project niya ay ang seryeng Make It With You kasama ang real-life girlfriend at ka-loveteam na si Liza Soberano na na-cancel pa nang magkaroon ng pandemic.

Pati ang fans ni Quen ay na-excite sa tweet ni Kriz at ang pinakamalaking tanong nila ay kung sino ang makakapareha ng aktor since mukhang malabo nang si Liza pa rin ang makakatrabaho nito dahil nga iba na ang manager ng aktres at sa international scene ito naka-focus ngayon.

But still fans are hoping na si Liza pa rin ang makapareha ni Quen.

“So excited and happy I will be the happiest if the project is with Hopie!!!!!,” komento ng isang fan.

“We are truly happy for your comeback! Na-miss ka namin @itsenriquegil,” sey naman ng isa pa.

 Matatandaan ding bago lumipat ng manager si Liza ay may mga naka-line up na projects sila sa Kapamilya na isang teleserye at isang pelikula pero sa ngayon ay wala nang balita sa mga proyektong ito.

Kris, hirap magdesisyon sa chanel beach towel na worth P125,000

May Chanel beach towel na nagugustuhan si Kris Bernal pero sobrang pinag-iisipan niya kung bibilhin dahil nakakalula nga naman ang presyo nito. Tumataginting na P125,000 lang naman ang halaga ng tuwalya.

Ipinost ni Kris sa kanyang Instagram Stories ang larawan ng mamahaling beach towel pati ang presyo nito. “Want…but mamumulubi na me,” ang sey ni Kris.

Humingi rin siya ng tulong sa followers niya sa pagdedesisyon. May multiple choice na “not worth it” at “it’s Chanel honny!” na siyang pagpipilian ng netizens at ise-send sa kanya ang sagot.

Anyway, kasalukuyang nasa honeymoon tour si Kris at ang kanyang mister na si Perry Choi base na rin sa kanyang mga updates sa IG.

Makikita sa kanyang posts na ilang bansa na rin ang napuntahan nila sa Europe.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with