^

Pang Movies

Miguel, ‘tumanda’ na sa Voltes V  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Miguel, �tumanda� na sa Voltes V           

Iyong Ang Probinsyano ang sinasabi nila ngayong “longest running series” sa telebisyon. Kahit na nga may panahong napanood lamang iyon sa internet, at least nagbalik pa ang serye sa telebisyon.

Ang sumunod riyan ayon sa record ay iyong Flor de Luna ng RPN 9 noon na tumagal nang limang taon.

Sinasabi naman nilang ang seryeng pinakamatagal na ginawa ay ang Voltes V remake na ginagawa pa rin ng GMA 7.

Isipin ninyo, hindi pa pala mailalabas ngayong taong ito, baka raw sa 2023 na.

Noong simulang gawin iyan bago pa ang pandemya, bata pa talaga si Miguel Tanfelix.

Ano nga kaya ang dahilan at inabot iyan nang ganyan katagal? Hindi mo naman puwedeng idahilan ang pandemya, dahil noon panahong iyon nakakapag-lock in taping din naman sila ng ibang mga serye.

Bakit hindi sila makapag-volt in?

Ate Vi, vlog vlog muna

Kung iisipin, officially ay dadalawang linggo pa lamang naman nakakalibre si Ate Vi (Vilma Santos) sa kanyang trabaho. Pero mukhang lalong nainip ang kanyang fans sa inaasahan nilang pagbabalik niya sa show business. Mabuti nga ngayon at nakikita na nila ang Star for all Seasons sa kanyang sariling vlog pero  hinihintay pa rin nila si Ate Vi sa tunay na pagbabalik niya sa pelikula.

Naka-wait and see pa ba si Ate Vi sa magiging takbo ng industriya? “Hindi naman sa wait and see, pero aaminin ko, hindi man nila ako nakikitang physically busy, ang dami kong hinarap na trabaho. Bale pagkatapos lang ng eleksiyon at saka ako nagkaroon bakasyon, at ngayon lang naman namin nagawa iyon dahil hindi na masyadong mahigpit ang travel restrictions,” chika ni Ate Vi na nakabasyon na sa Singapore.

At tungkol sa pelikula, katuwiran niya :“Kahit naman anong negosyo, iyong mga investors naghihintay muna kung ano ang magiging direksiyon ng industriya. Palagay ko iyan ang nangyayari sa mga producers ngayon. Naghihintay din sila kung saan nga ba ang direksiyon ng industriya. Hindi naman tayo gagawa ng pelikulang pang-internet lang. Kung ganoon lang madaling gawin iyon, at sinasabi nga nila mas maliit pa ang puhunan doon kaysa sa budget ng mga TV shows. Pero ang target kasi natin ay maibalik ang pelikulang Pilipino sa mga sinehan, na sure naman akong mangyayari. Tingnan muna natin iyon para alam natin ang gagawin natin,” sabi ni Ate Vi.

Aktor, iniilusyon ang gwapong baguhan

“Unang nakita ko iyan crush ko na eh,” pag-amin ng isang gay male star tungkol sa newcomer, na halos kasabay pala niyang nagsimula pero hindi nga masyadong napansin. “Pogi na rin naman siya noon, pero hindi pa ganyan. Ngayon puwedeng itapat kay James Reid, na mas ok pa kasi matangkad. Kung gagawa iyan ng BL series, sana ako ang makuhang partner,” sabi pa ng gay male star.

Lagot ang newcomer.

vuukle comment

MIGUEL TANFELIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with