^

Pang Movies

MMFF, naghahanap ng mga pelikulang kikita!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Matapos na ilabas ng MMFF ang una nilang napiling apat na pelikula para sa festival sa Disyembre, mabilis na kumatkat ang mga kritiko. Bakit daw sa apat ay dalawa ang pelikula ng ABS-CBN? Hindi raw ba’t limitado lang sa isang pelikula ang bawat producer para lahat ay magkaroon ng pagkakataon?

Pero madaling sagutin iyan. Ipinatutupad ang limitasyon ng isang pelikula lang sa bawat producer noong panahong maraming producers na gustong sumali. Eh ngayon, sino na ba ang nagsabing sasali sila?

May mga kritiko na naman ang mga commercial films na kesyo ibinabalik na naman daw ang ganyang klaseng pelikula.

Pero ang plano ng MMFF ngayong taon ay makabalik ang pelikulang Pilipino sa mga sinehan at hindi naman mangyayari iyon kung ang mga pelikula nila ay iyong lalangawin lang sa takilya. Natural aangal naman ang mga sinehan dahil lugi sila.

Nangyari na iyan noong araw na may festival pero may sinehang hindi nagbukas dahil wala namang nanonood?

Ang mga umaangal na iyan, bakit hindi sila manood sa CineMalaya o sa CinemaOne, o sa Quezon City Film Festival?

Ang MMFF, may beneficiaries iyan sa industriya, at kailangang kumita ang mga pelikula, di lamang para sa mga producer at sinehan, kung di ganoon din para sa iba’t ibang guilds at ang Mowelfund na umaasa sa kikitain ng nasabing filmfest.

Tatlong kanta ni MJ na hindi na-release, tinanggal na sa ‘album’

Natawag ang aming pansin sa naging desisyon ng Sony Music na alisin ang tatlong kanta mula sa album na Michael, na ini-release nila noon pang 2010, at sinasabing naglalaman ng mga kantang nagawa ni Michael Jackson bago siya namatay pero hindi na nai-release. Iyon ay ang mga kantang Breaking News, Monster at Keep your Head Up.

Nagkaroon kasi ng controversy ang mga iyan noon pa man.

Sinasabing hindi ang king of pop ang kumanta noon kundi isang di kilalang singer na ang pangalan ay Jayson Malachi. Ang naging desisyon na nga lang nila ay alisin iyon sa album, bagama’t pinaninindigan pa rin ng Sony Music at ng estate ni Michael na ang king of pop ang kumanta ng mga awiting iyon pero ngayon nga ay pinaaalis na.

Aktor, laging lasing dahil sa nasirang pangako ng mga bading

Ngayon ay alam na ng isang male newcomer na napag-laruan lang siya. Noong bago pa siya, pinag-aagawan siya ng mga bading na lahat ay nagsabing kaya siyang pasikatin sa showbusiness, pero wala namang nagawa kundi puro pictorial na nakahubad siya at pangakong isasama siya sa mga pelikula sa internet, pero wala din naman.

Tapos dumating ang panahon na isa-isa nang nawawala ang nagsabing mapapasikat siya, at may binobola na naman ang mga iyong iba.

Ang newcomer, alam niya napaglaruan lang siya, at ngayon madalas nga lasing siya.

 Kawawa naman, napunta sa mga hindi tamang tao.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with