^

Pang Movies

Bela, magdidirek ng pelikula sa Switzerland  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bela, magdidirek ng pelikula sa Switzerland                   
Bela

Kasalukuyang naghahanda si Bela Padilla sa pelikulang sinulat at ididirek niya na kukunan sa Switzerland.

Naka-base na sa London si Bela kaya personal niyang inaasikaso ang proyekto na sisimulan niyang i-shoot ngayong winter season sa Europe.

“Actually, may isho-shoot akong movie sa Switzerland this winter, pero with Pinoy cast and crew pa rin. So right now, we’re in the process of casting, finalizing kung sino pa yung mga kasama namin. Pero this time I’m not acting on it, I’m just writing and directing the film. So I’m excited kasi first time na hindi ako nakasabak sa set, talagang nasa likod lang ako so I’m looking forward to the experience,” sey ni Bela.

Kelan lang ay dumalo si Bela sa ilang TFC events sa Norway at France. Isa na rito ang 7th edition ng Amihan Sportsfest kung saan nag-perform siya para sa mga kababayang dumalo sa event na ginanap sa Stade de la Muette sa Paris, France.

“I’m having so much fun here in Europe. I guess kasi new environment marami ako nasusulat right now. I’m very inspired to keep on writing and keep on creating. At the same time ang dami kong nakikilalang bagong friends, ang dami kong Pinoy na nami-meet, in every city that I go to, hindi lang sa London kung saan saan na kami namamasyal with TFC. Mari-realize mo talaga anywhere you go in the world basta may Pinoy, feel at home,” sey pa niya.

Pagkatapos makabili ng bahay at sports cars, Jillian magbubukas ng negosyo at magta-travel kasama ang pamilya

Next goal raw ni Jillian Ward ay ang magkaroon ng restaurant business at milktea shop. Ito ang mga susunod sa plano ni Jillian pagkatapos niyang matupad ang magkaroon ng bahay at sports car. Tama lang daw na mag-invest na siya sa negosyo na gusto niya habang marami siyang trabaho ngayon.

“Pinag-iisipan na po naming pamilya kung ano ang magandang business ngayon. Yung tatangkilik ng marami at yung pangmatagalan. Since patok pa rin ang milktea shop, isa iyon sa sisimulan namin. Yung restaurant, gusto rin namin at kailangan may iba kaming ihanda,” sey ni Jillian.

Isa rin ang mag-travel sa goals ni Jillian sa taong ito. Gusto niya na kasama ang kanyang pamilya sa pagbiyahe para maka-create sila ng maraming memories. “Gusto ko po talaga ‘yung pagta-travel dahil iba po talaga ‘yung memories na magagawa sa pagta-travel din. Kumbaga nasa amin na rin ‘yung mga needs namin. So ngayon pinakaimportante sa akin ang quality time kasama ang family ko.”

Next project ni Jillian ay gaganap siya na batang surgeon sa Abot Kamay na Pangarap kung saan co-stars niya sina Carmina Villarroel, Pinky Amador, Richard Yap at Dominic Ochoa.

Marvel actress umaming nagtanan

Kinumpirma ng Marvel film actress na si Elizabeth Olsen na two years na siyang kasal sa musician na si Robbie Arnett.

Sa naging interview ng bida ng WandaVision sa The Jesse Cagle Show, inamin niyang nagtanan sila ni Arnett at magaganap ang kanilang wedding very soon.

 Naging very private ang relasyon ni Olsen kay Arnett at iilang tao lang daw ang nakakaalam. Thankful din si Olsen na very supportive ang kanyang husband lalo pagdating sa matinding work schedule niya.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with