^

Pang Movies

Kris, nag-‘crash landi’ sa Switzerland kasama ang asawa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Cute ng caption ni Kris Bernal sa pictorial nila ng asawa niya sa Switzerland.

Andun sila sa location ng Crash Landing On You na nauna na ring pinuntahan nina former Sen. Manny and Jinkee Pacquiao.

Ani Kris :

“Crash ‘LANDI’ on you..

“But husband, not landi..

“When we were deciding which country to replace London (Due to our UK Visa arriving late), I asked my husband if we could visit Switzerland instead, primarily because I wanted to visit some of CLOY’s filming locations.”

“Ta-duuhh, this is the exact spot where Captain Ri played a beautiful, piano song, featured at the end of Ep. 7”  #CrashLandingOnYou

‘Kanya-kanyang awra kami ng asawa ko’ As a #CLOY fan, feel ko nayakap ko si Captain Ri! Haha! LOL!”

Long overdue/belated honeymoon daw nila itong mag-asawa at bukod sa Switzerland pupunta rin sila sa Netherlands, Germany Czech Republic, Austria, Italy, France, Spain etc.

Kinasal sila ng mister niyang si Perry Choi noong September 2021.

Nasa bucketlist ng mga K-drama fanatic ang nasabing lugar sa Switzerland dahil sa Crash Landing on You ng mag-asawa na ngayong sina Hyun Bin and Son Ye-jin na preggy na.

Pokwang, inaming hiwalay na sila ng mister

Umasa ang fans ni Pokwang at maging ng partner niyang si Lee O’Brian na hindi totoong hiwalay na sila.

Kumakalat sa social media last week pa na diumano’y hiwalay na sila noong isang taon pa pero kapwa sila nananahimik tungkol dito.

Nag-upload pa kahapon ang Amerikanong partner ng komedyana ng photo ng anak nila na si Malia na obvious na kuha sa bahay ni Pokwang. “You so beautiful, my angel! “Thank you for making me smile @malia_obrian !!

“#MyTisay #MissMalia #ProudDaddy #TisayNgMasa,” ang caption ng actor sa anak nila ni Pokwang na pagka-cute nga naman.

Last week din ay nag-post siya na naglalaro silang mag-ama.

Pero inamin na ni Pokwang na wala na nga sila ng asawa niya sa push.com.

“We’re okay. No third party involved and we’re both co-parenting kay Malia,” sagot ng actress-TV host kay Leo Bukas ng push.com.

 Maayos daw nilang tinapos ang lahat. “Hindi kami pait-paitan. Hahahaha.”

Seven months na pala silang hiwalay at maayos daw ang setup nila.

Good for them.

Jodi, tanggap na ulit nina Iwa at Pampi Lacson kahit ‘di binoto si Sen. Lacson

Kahit nagkaroon ng slight na parinigan noong election, pamilya pa rin sina Jodi Sta. Maria and Iwa Moto.

Present si Jodi sa binyag ng youngest son ni Iwa at partner niyang Pampi Lacson na ex-husband ni Jodi.

Sa series of photos na ini-upload ni Iwa, kasama sa group photo si Jodi at anak nilang si Thirdy.

 Maaalalang last election ay all-out Kakampink si Jodi para kay former vice president Leni Robredo kaya mag nai-dialogue noon si Iwa na sana’y hindi naman masyadong bunyagan ang ginawa ni Jodi dahil kalaban ito sa pagka-presidente si former Sen. Ping Lacson na ama ni Pampi.

vuukle comment

KRIS BERNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with