^

Pang Movies

Mga sinehan ginawang studio ni Willie, AMBS umpisa na sa September

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mga sinehan ginawang studio ni Willie, AMBS umpisa na sa September
Manny

Sa darating na September 2022 ay aariba na ang bagong TV network ng successful businessman at dating Senate President na si Manny Villar sa pamamagitan ng kanyang Advanced Media Broadcasting System (AMBS).

Iku-convert ang tatlong mga sinehan ng Star Mall (Mandaluyong) at siyang gagawin TV studios ng AMBS at isa sa mga ito ay gagawing sariling studio ng bagong daily game show ng host-producer na si Willie Revillame na siguradong may mahalagang posisyon sa TV network ni G. Villar.

Si Willie umano ang magsisilbing mukha ng AMBS at muli nitong bubuhayin ang kanyang Wowowin: Tutok to Win.

Although ayaw pang i-reveal ng management ng AMBS na hindi pa rin ipinaaalam kung sinu-sino ang bubuo ng management and operation ng bagong TV network, tiyak na bukod sa programa ni Willie ay may nakakasa na ring ibang programa ang bagong TV network na siyang nakakuha sa prime frequency ng ABS-CBN for the longest time na hindi na binigyan ng panibagong prangkisa matapos itong ipasara nung May 5, 2020.

Ang pagbubukas ng AMBS ay senyales din ng pagki-create hindi lamang ng mga bagong program na mapapanood ng televiewers kundi karagdagang opportunities at trabaho sa actors, directors, writers, technical people at iba pang related jobs.

Bukod sa telebisyon, magkakaroon din  ng radio network ang AMBS at papasukin din nito ang iba’t ibang platform tulad ng ibang TV networks.

Albee at ABS-CBN, may kasunduan

Bukod sa A2Z, mapapanood na rin ang noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime sa TV5 at makaka-back-to-back ito ng existing lunchtime program ng Kapatid network na Lunch Out Loud (LOL) na produced ng Brightlight Productions ng businessman at dating politician na si Albee Benitez.

Kung hindi kami nagkakamali, may business venture sa pagitan ng ABS-CBN at si Albee kaya naging possible ang pagpapalabas ng mga programa ng ABS-CBN sa TV5 at palabas din sa Kapamilya channel ang isa sa produced programs ng Brightlight Productions, ang Rated Korina ni Korina Sanchez.

Ang Brightlight Productions ay isa sa mga blocktimers ng TV5.

Ngayong buwan magsisimula ang airing ng It’s Showtime sa TV5 kaya makakapag-enjoy na rin ang mga manonood na walang cable at internet.

Rich, sanay na sa Australia

Adjusted na sa kanyang buhay sa Australia ang dating StarStruck alumna at 2009 Bb. Pilipinas 1st runner-up na si Rich Asuncion kasama ang kanyang husband na si Bench Mudie at dalawang anak na sina Isabelle (3) at Alexandra (more than two months old).

Tinalikuran man ni Rich ang kanyang showbiz career sa Pilipinas, kakaibang fulfillment naman ang kanyang ini-enjoy ngayon bilang wife and mother to her two daughters.

Nung isang taon ay lumipat na si Rich and her fami­ly sa sarili na nilang bahay.

Sa simula ay namasukang isang waitress sa Australia si Rich habang ipinagpapatuloy nito ang kanyang pag-aaral.

Since mahigit two months old pa lamang si Baby Alexandra, kailangan niya munang tutukan ang dalawang bata.

vuukle comment

MANNY VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with