^

Pang Movies

Jeric, kinakaawaan sa mga binawing regalo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jeric, kinakaawaan sa mga binawing regalo
Jeric

Naawa naman ako kay Jeric Gonzales. Kasi nga, totoo naman na tumatanggap ng regalo si Jeric Gonzales sa gustong magbigay sa kanya, ang nakakaloka ay ‘yung binabawi sa kanya ang ibinigay na.

Kawawa naman dahil parang bata na binigyan ng candy tapos kukunin uli.

Napaka-unfair naman kung ganun ang gagawin. Mas mabuti pa siguro na ‘pag binigyan si Jeric huwag na niya tanggapin para hindi na binabawi sa kanya.

O kaya iyon na lang bigay ni Leo Espinosa ang tanggapin niya, promise hindi babawiin ni Leo kahit ano pa iyon.

Lesson na iyan, Jeric, huwag ka nang tatanggap ng regalo para walang binabawi sa iyo.

Pancho at Max, maayos ang co-Parenting sa anak

Maganda ‘yung setup nina Pancho Magno at Max Collins. Tahimik ang naging hiwalayan nila, at maayos ang co-parenting nila sa kanilang isang anak.

Ganyan dapat ang bawat couple na naghihiwalay para hindi lumalaki ang issue, tahimik lang.

At mas maganda kung biglang magkabalikan silang dalawa, dahil walang ingay mas magiging maayos ang balikan kung sakali.

Maganda nga ang career nila pareho, plus may fallback pa si Pancho dahil isa itong registered nurse kaya kahit anong oras tiyak ang trabaho.

Mukhang hindi high maintenance ang pamumuhay nila kaya tiyak na hindi financial ang problema.

vuukle comment

JERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with