^

Pang Movies

Ang love story ng dalawang driver at kasambahay...  

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Ang ganda ng kuwentong ito, Salve A.

Hindi mo iisiping puwedeng mangyari. But as it happened to me, maniwala ka.

May katulong ako na talagang iisipin mong suwer­te kang nagkaroon ka. Masipag. Honest. May kusa.

Hindi mo na kailangang utusan, dahil parang alam na niya ang gagawin.

Kaya, nang mangailangan ako ng isa pa, dahil medyo lumaki ang pamilya, pinakiusapan ko siyang kumuha ng makakatulong niya.

Suggestion ko pa, sa bayan na rin nila kunin ang kanyang magiging assistant.  Nasa isip ko, para wala nang tsismis, as neighbors.

True enough, tahimik at magandang buhay ang naganap.

Hanggang mabuntis ng driver ang isa. Na pilit nilang itinago sa akin for a while.

E, suwerteng, nabuntis din ng other driver ang ibang katulong.

Yes, Salve A., dalawang kotse ako meron, kaya, dalawa rin ang driver ko.

To shorten this story, sabi nga, nanganak halos magkasabay ang both maids. Kaya, magkasabay ding naging ama ang two drivers.

Na ikinasal na, courtesy namin, of course.

Ang susunod ay ang binyagang magkasabay ng dalawang bata. Well, to make up for the apat’s loyalty, we decided na bigyan sila ng sariling negosyo, which fortunately is doing well.

Kasosyo rin, of course, kami sa negosyo nilang ito.

Na nangangahulugan lang na ang magandang pakay ay may in return, maganda rin na resulta.

Direk Lino at KC, baka magkaroon ng reunion

Wow, Salve A., excited ako kapag may naganap na ‘reunion’ between former director at naging three term mayor ng Taguig City na si Lito Cayetano at ex-girlfriend niyang si KC Concepcion, na naka-focus sa showbiz sa kasalukuyan.

May buhok pa noon si direk Lino pero hindi sila ‘pinagtapo’ ng tadhana.

Asked if sa kanyang pagbabalik sa showbiz, maraming curious if papayag siyang muli na makatrabaho si KC. “Why not?,” sagot ni direk Lino. Pero, depende raw sa project.

Hanggang ngayon daw, nanatili silang friends ni KC. May asawa’t anak na ngayon si Direk Lino, ang volleyball superstar na si Fille Cainglet, at tatlo na ang anak nila.

In his case, may gagawin siyang movie na ang lead performers ay sina Ian Veneracion at Heaven Peralejo, isa siya sa mga producer nito para sa kanilang Rein Entertainment.

Johnny, kumpirmado sa MTRCB

Wala nang daw dahil tiyak nang si Johnny Revilla (wala na rin raw) ang uupong chairman ng Movie and Televion Review and Classification Board, kapalit ni Chair Jeremiah Jaro.

Kapatid ni Johnny ang mga artistang sina Tina at Maritess Revilla.

Parents niya sina Armando Goyena at Paquita Roces. May bahay niya si Janet Basco, mas kilalang singer at commercial model.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with