Ruffa, swak na swak na Imelda

Ruffa

Bagay kay Ruffa Gutierrez ‘yung role niya as Imelda Marcos.

Sa ayos at makeup parang hawig na nga sila.

At ang gandang magdala ng terno ni Ruffa ha. Kaya exciting na panoorin ito. Lalo pa nga ngayon na ang Presidente natin si BBM, at madalas mo na namang makita si Imelda Marcos.

Timely ang project at talagang siguro nga baka ito ang bumuhay sa showbiz. Kahit sabihin mo pang ibang era na ang Marcos, marami pa ring excited sa buhay nila.

Full circle na after Ferdinand Marcos Sr., heto at ang kanyang Jr. na si Bongbong ang nasa Malacañang ngayon.

Lucky Ruffa Gutierrez na kasali siya sa naturang project.

Nora, napansin ang panghihina ng katawan

Dapat na nga siguro na bantayan ni Nora Aunor ang kanyang health dahil lahat napansin ang panghihina niya nang tanggapin niya ang award as National Artist. Galing siya ng hospital dahil nga yata sa ubo na dala ng paninigarilyo.

Sayang naman kung ‘di siya gagaling dahil puwede pa naman siyang lumabas sa mga serye.

Isang mahusay na artista at singer si Nora Aunor, kaya dapat lang na ingatan niya ang talent niya at katawan.

Pagaling ka, Nora, at hinto na ang sigarilyo, please.

Show comments