Kris, pinagtanggol ng fans sa pagsusuot ng alahas kahit hirap sa sakit

Kris

May mga pumuna sa mga suot na mga alahas sa latest post niya na nag-a-update sa kanyang kalagayan.

Sabi ng nag-comment, ang normal na tao kapag may malaking karamdaman, hindi na nakukuhang magsuot ng mga alahas.

May mga nag-agree sa nag-comment na ‘yun, ang fans ni Kris Aquino na alam kung bakit may mga suot siyang alahas, came to her defense. Paliwanag ng isa sa fan ni Kris, “Pearls, jades, diamonds are believed to have “healing powers” and cast evil/bad elements... she might be a believer of that... let her be.”

Pinatunayan ito ng isang commenter na napanood daw niya si Kris sa isa niyang show at binanggit ang tungkol sa pearls, diamond, jades at ang nagagawa nito sa isang taong may suot ng mga ito.

May non-fans si Kris na nakiusap sa mga namba-bash na sana, sa halip na i-bash ito, ipagdasal na lang para gumaling dahil may dalawa itong anak na umaasa sa kanya.

Ang mas nakatutuwa pa, ‘yung dati hindi ipinagdadasal si Kris, ngayon kasama na siya sa kanilang ipinagdarasal na gumaling sa kanyang mga sakit.

Sanya, kakanta na ulit

Katatapos pa lang ng First Lady noong Friday, heto at may regalo na naman si Sanya Lopez sa kanyang fans.

Kanta naman ang aabangan ng kanyang fans sa aktres dahil sa July 15, ire-release ng GMA Music ang single niyang Hot Maria Clara.

Puwede nang mag-pre-order ng digital copy ng single sa iTunes from July 1 to 14.

Kumakanta si Sanya noong nasa Walang Tulugan show ni German Moreno pa siya, kaya hindi nakagugulat na recording star na rin siya.

Ang mas nakagugulat, bakit ngayon lang siya nag-recording?

Kim, pinilahan ang K-actor kahit walang tulog

Pinost ni Kim Domingo sa Instagram ang larawan niya habang nakapila at may caption na “Straight from work, no sleep yet but it’s all good.”

Galing kasi si Kim sa taping ng Start-Up at sa halip na matulog, dumiretso sa Gateway Mall sa Araneta Center, Quezon City para makabili ng tiket para sa Starry Caravan in Manila fan meeting ng South Korean singer-actor na si Cha Eun-woo.

Sa kanyang IG story, makikita na maraming tao na nakapila at nagsisiksikan para makabili ng tiket at isa na nga rito si Kim. Kahit naka-face mask, nakilala pa rin ang aktres at may mga nakipag-selfie at group photo. Aliw na lahat sila, naka-heart sign.

Sa last IG story ni Kim, ibinalitang successful ang pagpila niya ng puyat at pagod. “Finally! After numerous hours of waiting and standing I finally got my tickets! I know this is well worth the effort and the wait. Thank you Lord.”

Sa Aug. 6, sa Smart Araneta Coliseum ang fan meet ni Cha Eun-woo.

Sen. Chiz at Bamboo, nanlito

Nagkita na rin pala ang magkamukhang sina Senator Chiz Escudero at ang singer na si Bamboo. Nagkita ang dalawa sa thanksgiving concert sa Sorsogon at isa sa performer si Bamboo.

Former governor si Sen. Chiz sa Sorsogon at isa siguro sa nasa likod ng thanksgiving concert.

Pinost ni Bamboo sa kanyang Facebook ang larawan nila ni Sen. Chiz na mabilis ang mga reaksyon ng netizen.

May nagbiro na baka malito si Heart Evangelista ‘pag nakita silang magkasama.

Show comments