Neri, mas yumaman nang iwan ang showbiz

Neri

Inspiring ang buhay at tagumpay (bilang negosyante) ng Kapamilya actress na si Neri Naig, wife ng Parokya ni Edgar frontman at isa sa mga hurado ng Idol Philippines Season 2 na si Chito Miranda.

Sa kabila ng kanyang paging devoted wife kay Chito, doting mom sa dalawang anak na sina Miggy Alfonso (5) at Pia (6 mos. old) at pagiging isang matagumpay na entrepreneur, nakuha pa rin nitong tapusin ang kanyang pag-aaral ng Business Administration sa University of Baguio kung saan siya grumadweyt kamakailan lamang. She graduated from college at age 36.

Naniniwala si Neri na walang pinipiling edad ang edukasyon.

Siyempre pa, super proud sa kanyang wifey ang music icon na si Chito na patuloy na sumusuporta sa goals ng kanyang misis.

Malayo na ang narating ng dating 6th placer sa da­ting talent reality show ng ABS-CBN, ang Star Circle Quest. Hindi man siya ang first placer, naging daan naman ito para mapasok niya ang kanyang showbiz career.

Hindi man gaanong aktibo ngayon sa kanyang showbiz career ito’y dahil sa pagiging busy ni Neri sa kanyang itinayong iba’t ibang business tulad ng gourmet tuyo, Tea Talk shop, bake shop, sleepwear brand, wedding gowns and accessories, rest house and cottage for rent at iba pa.

Not too long ago, nakabili na naman si Neri ng bagong investment property in Baguio City.

Although limang taong gulang pa lamang ang kanilang panganay ni Chito na si Miggy, nabilhan na niya ito ng isang condo unit. Ito’y bukod pa sa ilang properties na kanyang naipundar. Sa kaarawan ng kanyang mister nung isang taon ay niregaluhan ito ni Neri ng isang yacht.

Alexa at Cong. Sandro, matagal na ang relasyon

Naging instant star ang Jollibee commercial model-turned actress na si Alexa Miro nang hindi inaasahang mabuking na siya pala ang girlfriend ng Presidential son at bagong halal na kongresista (ng Ilocos Norte, 2nd district) na si Sandro Araneta Marcos.

Ayon sa balita, sina Sandro at Alexa ay naging magkasintahan nung isang taon.

Since nasa showbiz si Alexa at nasa pulitika si Sandro bukod pa sa kanyang pagiging Presidential son, hindi talaga maiiwasan na hindi sila mapag-usapan.

Si Sandro ay panganay sa tatlong anak na pawang lalake nina Presidente Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos. Ang dalawa pa niyang younger brothers ay sina Simon at Vincent.

PBBM, maraming kinabog sa talumpati

President Bongbong Marcos remind us of his late father, the late former Pres. Ferdinand Marcos, Sr. na kilala sa pagiging prolific, articulate and good speaker during his time na hindi rin mahilig magbasa ng kanyang speech.

Sa kanyang inaugural speech last June 30, 2022 bilang ika-17th President of the Republic of the Philippines, marami siyang napahanga.

Although kasisimula pa lamang niya sa kanyang bagong puwesto bilang Pangulo ng Pilipinas, nakatuon lahat ng mata sa kanyang magiging performance sa loob ng anim na taon niyang panunungkulan.

Show comments