Heart at Song Hye-kyo, wini-wish na magkita sa Paris

Heart Evangelista.

Fan pala ni Heart Evangelista si Kakai Bautista na kilig na kilig na ikinuwento ang pagkikita nila ni Heart na hindi binanggit kung saan. Lalo pang kinilig si Kakai dahil si Heart pa raw ang tumawag sa kanya. “Saw this amazingly beautiful Human Being yesterday!!! My gawd sya pa talaga ang tumawag sa akin. Nakakaloka. Happy to finally see u and chika with you kahit sandal! Labyuh queen @iamhearte,” post ni Kakai.

Hindi rin pinalampas ni Kakai ang chance na makapagpa-picture kasama si Heart na nirepost ni Heart sa kanyang IG story. .

Anyway, nasa Paris na uli si Heart para sa Fashion Week, biniro ng kanyang supporters na ginagawa lang na parang Makati to Quezon City ang pagpabalik-balik niya sa Paris.

Sa nabasa naming comment, nasa Paris din ang Korean actress na si Song Hye-kyo para sa Fendi at wish ng supporters ni Heart na magkita sila ng Korean actress.

Maine, inuna ang trabaho kesa oath-taking ni Arjo

Wala si Maine Mendoza sa oath-taking ng boyfriend niyang si Cong. Arjo Atayde. Nasa Dipolog si Maine at dabarkads ng Eat Bulaga para sa special episode ng noontime show at mapupuri si Maine dahil mas inuna ang trabaho kesa dumalo sa oath-taking ni Arjo.

Tama naman ang ArMaine fans, marami pang special occasion na magkakasama sina Cong. Arjo at Maine dahil matagal uupo na congressman si Arjo.

Sa mga lumabas na larawan, kasama ni Cong. Arjo ang amang si Art Atayde at kapatid na si Ria Atayde.

Relos ni PBBM sa inagurasyon, prinesyuhan ng P28 million

Pati ang suot na relos ni President Bongbong Marcos sa kanyang inauguration ay prinesyuhan ng mga ayaw sa kanya at sa kanyang magiging pamunuan.

May nag-tweet na, “Very solemn and simple, my foot,” na ang tinukoy ay ang ipinangako ni PBBM na magiging solemn at simple ang kanyang inauguration.

Worth P28,490,980 diumano ang suot na Patek Philippe Nautilus Chronograph 18kt Rose Gold 5980R-1001 ni PBBM at nasilip ito nang siya’y pumalakpak nang dumaan sa harap niya ang frontliners at OFW sa parade ng kanyang panunumpa.

Na-zoom in pa ang relos ni PBBM nang ilagay niya ang kamay sa Bible, kitang-kita uli ang relos. Pero, may pangontra ang supporters ni PBBM sa mga namba-bash sa kanya dahil sa suot na relos.

Six years mamumuno sina PBBM at Vice President Sara Duterte, marami pang prepresyuhan na kanyang isusuot ang anti-Marcos.

Anak nina Mark at Nicole, may blue passport na

Sinelebrayt nina Mark Herras at asawang si Nicole Donesa ang pagkakaroon ng Blue Passport ng anak nilang si Corky. Ang ibig sabihin, may dual citizenship na ang anak nina Mark at Nicole at kaya ito nabigyan dahil may dual citizenship din si Nicole na isang Fil-Am.

Born and raised sa Amerika si Nicole at umuwi lang ng bansa, napasok sa showbiz at nakilala si Mark. Nagkainlaban ang dalawa, nagpakasal at ngayon, may anak na.

Hindi na mahihirapan si Corky kapag gusto siyang dalhin ni Nicole sa Amerika.

As for Mark, hindi nabanggit kung na-grant din siya ng dual citizenship, pero masaya ito na may blue passport na ang anak.

 

Show comments