Sue, sasamahan si Alden sa Amerika!  

Sue

As far as Sue Ramirez is concerned, hindi pa niya priority ang magpakasal. O, mag-asawa kaya.

Kahit pa, kung ang masusunod, ay ang kanyang boyfriend na si Javi Benitez, bagong halal na Mayor ng Victorias City, Negros Occidental.

Magti-three years na silang mag-on.

Sue is 25.

Si Javi, na dating nag-aartista rin, ay 27.

Guess where Sue is going with, of course with Javi’s permission? US in September.

Hindi niya, of course, kasama si Javi, kung hindi si Alden Richards.

Kung bakit?

Iyan ay dahil siya ang kasama ni Alden sa kanyang concert tour sa September.

Busy, too, with her acting career si Sue, as she is currently doing Vivamax films, How To Love Mr. Heartless and the digital project, K Love.

She is a loyal Kapamilya though, Sue claims.

Pag-aaral ng mga senior, puwede rin

Sa pagpasok ng ating bagong pamunuan, pray na­ting matupad lahat ng kanilang bagong magagandang pangako.

Higit na magandang buhay, ayon sa bagong Presidente natin.

Si Pangulong Bongbong Marcos.

Higit sa lahat, mas magandang buhay. Magandang pag-asa. Na kung gagawan ng paraan ay matupad.

But this early, ang higit na hanga kami ay ang pangako ni Vice President Sara Duterte, ating Education secretary, din ng pagbabago sa ating Educational system.

Well, from us, why not encourage the senior citizens na mag-aral muli. Lalo’t wala rin lang silang ginagawa sa bahay.

Encourage them, too, na mag-create ng new tasks for them. Halimbawa ng pagburda, bag making, o whatever.

Na possible maging negosyo eventually.

Malaking tulong ito para kanilang pamilya ‘pag nagkataon.

Maliban, of course, sa kanilang sarili.

Show comments