Dingdong at Marian, nire-request na bumiyahe na rin sa Spain   

Medyo nakapagreserba na ng tapes ang GMA Royal Couple Dingdong Dantes at Marian Rivera ng family sitcom nilang Jose & Maria’s Bonggang Villa at si Dingdong ng kanyang high rating game show na Family Feud, kaya nagkaroon sila ng special time na lumabas ng bansa, kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy, pagkatapos ng almost three years na may pandemic tayo.

Ilang beses nang nakapag-travel abroad si Zia, but ito ang first time ni Ziggy.

Nag-post si Dingdong ng ilang shots nila while they are in Singapore, like sa Resorts World Sentosa.

May nag-comment naman na “Praying that you can soon travel to Spain so that Sixto IV can meet his grandpa. Si Zia ay ilang beses nang nadala ng mag-asawa sa Spain bago pa isinilang si Ziggy.”

‘First family,’ pahinga muna

Finale night na mamaya ng top-rating romantic-drama series na First Lady, at excited na ang netizens malaman kung paano magwawakas ang serye nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez with Pancho Magno, Thia Thomalla, Ms. Pilar Pilapil at Ms. Alice Dixson. Dahil nagkaroon ng aksidente si First Lady Melody, ang tanong ng netizens ay kung makakaligtas ba siya at ang baby nila ni PGA? At ano ang magiging role ng special guests na sina Glaiza de Castro, Carla Abellana at Rabiya Mateo?

Pero ang tanong pa rin ng netizens, ibigay ba ng GMA ang wish nilang magkaroon ng season 3 ang First Lady at sila pa ang nagbigay ng title na First Family. Nagtanong kami sa production group, at ang sagot nila ay “magpapahinga po muna kami.”

Lolong, fake news ang paghahanap ng mga extra

Nagbigay ng isang paglilinaw ang production group ng adventure serye na Lolong: “Huwag maniniwala sa mga kumakalat na imbitasyon na naghahanap ng mga talents o extras para sa diumano’y shooting kung saan makakasama ang #Lolong lead actors na sina Ruru Madrid at Paul Salas. Natapos na po ang lock-in taping ng programa at mapapanood na po ito sa Lunes, July 4, 8 p.m. sa GMA Telebabad. Maraming salamat po.”

Last week nga, bago umalis si Ruru for the shoot ng Running Man Philippines sa South Korea, ay rumampa ang 22-footer na buwaya na si Dakila sa ilang bahagi ng Metro Manila, sakay ng isang truck habang nakatali at nakapiring. Akala ng mga nakakita tunay ito, pero ito iyong animatronic crocodile na ginamit sa Lolong na magiging kaibigan ni Ruru.

Show comments