^

Pang Movies

Ate Vi, may panawagan para sa mga artistang nagkakasakit na kailangan ng ayuda  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, may panawagan para sa mga artistang nagkakasakit na kailangan ng ayuda                 

May nababalita na namang isang artista na diumano ay malubha na ang kalagayan.

Pero ang malungkot, pinag-uusapan ay kung may makukuha raw kaya siyang ayuda sa kanyang pagkakasakit.

Iyan ang laging tanong basta ang isang artista ay nagkasakit at sinasabing kailangan ng ayuda. “Hindi ba siya nakaipon sa laki ng kinita niya.”

Pero isang katotohanan na maraming artista ang walang naiipon, lalo na sa panahong ito na matagal nang hindi aktibo ang industriya.

May panahong naisip ni Kuya Germs (German Moreno) na maglagay ng pondo sa KAPPT, para makatulong sa mga artistang medyo nagigipit. Pero nakakalungkot, na ang pondong ayaw ipagalaw noon ni Kuya Germs ay nagastos na rin lahat noong hindi na siya presidente. Wala naman kasing kagaya niya na ang ginagastos para sa guild ay sarili niyang pera.

Mayroon namang Mowelfund, na sa ngayon halos wala na ring pondo, dahil ang inaasahan lang naman nilang pondo ay galing sa Metro Manila Film Festival na dalawang taon namang wala halos kinita.

Natanong si Ate Vi (Vilma Santos) kung ano sa tingin niya ang solusyon. “Kailangan tingnan na rin natin talaga ang actors’ welfare. Pero hindi mo maaaring iasa sa gobyerno iyan, bagama’t puwedeng magkatulungan. Aminin natin na ang industriya ng pelikula noong kasagsagan nito, ay isa sa pinakamala­king tax payer, ganoon din ang mga artista. Sa US ang ginawa nila parang subsidy, iyon mismong producers at distributors ng pelikula ay naglalaan ng one dollar sa bawat theater attendance para sa actors’ welfare at doon nila kinukuha kung may ayudang kailangan,” pahayag niya.

Dagdag pa niya : “Iyong producers, sila naman ang employers eh, wala silang legal responsibility sa magkakasakit, pero mayroon silang moral obligation na tumulong. Iyong theaters naman, lalabas na collecting agent lang sila, pero puwede ring tumulong. Halimbawa fifty centavos mula sa sinehan, another fifty centavos mula sa producers para mabuo ang piso. Basta naipon iyan malaking pondo na iyan.

“Maraming mga artista na nalalagay sa kawawang sitwasyon. Hindi naman lahat kami malaki ang kita. Iyong supporting actors, mas maliit na ang kita niyan, lalo na ang mga bit player, pero artista pa rin naman  ang mga iyan. Hindi mo mabubuo ang pelikula kung wala sila. Ang nangyayari sa atin, naiisip lang natin iyan kung ganyang may nagkakasakit na, na kailangan ng ayuda. Dapat iyan pag-isipan na talaga ng mga lider ng industriya,” mahabang komento pa ng Star for All Seasons na si Ate Vi.

Aktor na maraming nakatikimang bakla, may isyu ng demanda

Kung iisipin, maaaring mabaliktad ang sitwasyon at ang magdemanda ay ang sinasabing gay businessman, o ang asawa noon na sinasabing nagpalayas sa isang male star na kulukadidang ng kanyang gay husband at ang pamilya nito na nakatira sa kanilang condo unit.

Ang artista, public property iyan. Pero ang sinasabi nilang gay businessman, ang kanyang asawa at pamilya ay hindi. Iyong nakakaladkad sila ngayon sa hindi magandang usapan tungkol sa isang male star, panget na usapin para sa kanilang pamilya. Hindi man banggitin ang pangalan nila eh, maaari pa rin silang ma-identify.

Sinasabi nila na ang ganyang mga pangyayari ay ordinaryong kalakaran na sa show business, pero hindi maaaring sabihin na dahil nagmumukhang karaniwan nang pangyayari ay tama na. Kasi kung accepted iyan ng lahat, bakit umiiwas pa rin ang male stars na masabing kabit sila ng bakla?

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with