^

Pang Movies

Kim at Xian, nagkahiyaan sa reunion movie   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim at Xian, nagkahiyaan sa reunion movie              
Xian at Kim

Kumpirmado ngang may reunion movie sina Kim Chiu at Xian Lim after eight long years. Actually, unang ipinost ito ng aktor last Monday pero parang hindi naman masyadong klaro dahil sabi lang niya, “I missed sharing the big screen with you @chinitaprincess.”

Pero sa post ni Kim last Wednesday, kinumpirma na niyang may ginagawa silang pelikula ni Xian under Viva Films mula sa direksyon ni Dado Lumibao. In fact, nag-first day shoot na raw sila.

Ipinost ni Kim ang mga larawan nila na ipinost din ng aktor last Monday. Kuha pala ito sa first day shoot nila.

Ayon kay Kim, excited siya pero nanibago na makaeksenang muli ang ka-loveteam and real-life boyfriend. “Mukha ng nagkakahiyaan!!!  @xianlimmIts been a while, it feels different, but Im excited. I guess this is how it feels ac­ting with you after so many years! thank you @viva_films  miss being in this field so much. thanks again! First day feels nangangalawan in me . Lels thanks for the patience direk @dadolumibao looking forward for people to see this movie,” ang caption ni Kim.

Makikita rin sa larawan ang titulo ng pelikula na Always.

Huling pelikula together ng KimXi ay ang Past Tense in 2014.

Sid, tatlong beses nagpasilip ng junjun!

Ang frontal nudity ni Sid Lucero ang isa sa pinag-usapan matapos ang private screening ng pelikulang Virgin Forest last Wednesday night. Ito ay mula sa direksyon ng premyadong director na si Brillante Mendoza.

Tatlong beses ‘nagpasilip’ si Sid ng kanyang “junjun” habang naliligo siya sa waterfalls. Although split seconds lang naman ito at tipong kapag kumurap ka ay hindi mo na makikita. Bukod dito ay napakara­ming scenes ng aktor na hubo’t hubad siya at kung ilang beses ding nagpakita ng kanyang butt plus may orgy scenes din siya sa anim na “diwata.”

After the screening ay kinuha ng press ang reaksyon ni Sid tungkol dito at ayon sa aktor ay very comfortable naman siya nang gawin ang mga maseselang eksenang ito.

“I really didn’t mind. Yeah, I just took it off, yeah! It’s a Brillante film. And I mean what would you do if you saw waterfalls in the middle of the forest?,” ani Sid.

Dagdag pa niya ay gusto niyang maging natural ang eksena na kailangang itago pa ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

“It’s about time and I think, Vivamax being an online thing is a good avenue for us to actually start opening up to the sexuality of things. It’s actually a normal thing,” he said.

“As I mentioned a while ago, when all of us were all naked in the waterfall, we just felt like kids again. It didn’t feel like I had a penis. I didn’t feel like it,” dagdag pa niya.

Inamin din ng magaling na aktor na hindi raw siya gumamit ng plaster sa kanyang nude scenes pati na rin sa love scenes dahil hindi raw kumportable.

When asked kung ano ang reaksyon ng girlfriend niya na kasama rin niya sa screening that night, ani Sid, “wala, ilang beses na niyang nakita ‘yan, eh,” sabay tawa.

Okay lang din daw sa kanya kung makita ito ng kanyang anak na babae. Aniya, “it’s about time we look at it as it is, okay? It’s a picture of people and this is what people do. And in this situation, this is what happened at this time.”

Ulit niya, “in my world, it’s really nothing.”

Hindi rin naman nagpatalbog ang iba pang cast ng Virgin Forest na sina Vince Rillon, Angeli Khang, Rob Guinto, Kat Dovey, Markki Stroem, Ivan Padilla, Greg Hawkins at Micaella Raz dahil may kanya-kanya rin silang matitinding love scenes sa pelikula.

Streaming na ang Virgin Forest simula ngayong Hunyo 24 sa Vivamax.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with