^

Pang Movies

Rabiya, naging pantapal lang sa non-showbiz affairs ni Jeric?!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Rabiya, naging pantapal lang sa non-showbiz affairs ni Jeric?!           
Jeric at Rabiya

Ang pinag-uusapan naman ngayon ay nag-unfollow na raw si Rabiya Mateo at si Jeric Gonzales sa kanilang mga social media account at dahil diyan may mga naniniwala na split na sila.

Pero hindi ko ma-imagine na naging sila ni Jeric.

Masyadong maraming publisidad si Jeric na nagli-link sa kanya sa kung sinu-sinong persona­lity, kabilang na si Sheryl Cruz noong araw, pero kalaunan lumalabas na publisidad lang pala iyon.

May sources na nagsasabing ang lahat ng publisidad ay cover-up lamang para sa kanyang non-showbiz affairs.

Pero sinu-sino nga ba ang nakarelasyon niyang wala sa showbiz para takpan  ng ganoong publisidad? Sigurado naman ginagamit din niya ang utak niya, hindi naman siguro siya papasok sa isang affair na makakasira sa career niya.

Tiyak iyon binabantayan din siya ng network niya dahil home talent siya roon.

Kaya lang, aywan kung bakit marami ring sumisingaw na kung anu-ano, kagaya nga noong nag-viral pang pictures niya na hindi naman daw totoo kasama ang isang bading.

Maugong din ang tsismis na si Jeric daw ay “naging third party” sa isang pamilya.

 Bakit naman siya papasok sa ganoong sitwasyon eh ang dami naman niyang  makakarelasyon na walang sabit. Bakit sa may asawa pa?

Pero siguro nga, minsan ay dapat “iupo” si Jeric ng mga namamahala sa kanyang career at kausapin siya nang husto, at ilagay sa ayos ang lahat.

Hindi matitigil ang nakakasirang kuwento kung patuloy na mga ganyan ang lalabas na kuwento sa kanya.

Sunshine at Macky, ‘di pa rin legal ang relasyon

Ang masasabi na lang kulang sa relasyon nina Sunshine Cruz at Councilor Macky Mathay ay makuha ng konsehal ang annulment sa nauna niyang kasal, para maging pormal naman at legal ang kanilang relasyon ni Sunshine.

Sa ngayon mukhang wala na silang problema sa kani-kanilang pamilya. Tanggap ng mga anak ni Sunshine si Macky. Tanggap naman ng mga anak ni Macky si Sunshine.

In fact, sa mahahalagang family occasions ay magkakasama na sila na parang isang pamilya.

Noong Linggo, Fathers’ day, magkakasama silang nag-celebrate kasama ang lahat ng mga anak ni Sunshine, na nakipag-Fathers’ day kay Macky. Nandoon din naman ang lahat ng mga anak ni Macky, na noon namang Mothers’ day ay kasama rin ni Sunshine.

Sana nga magkaroon na sila ng isang pormal at legal na relasyon.

Sexy star, inlab sa poging anak ng matinee idol

Nang makita ng isang sexy star ang picture ng anak ng isang matinee idol sa social media, kinilig iyon at sinabing “hindi ko palalampasin ang pagkakataon na maka-date siya kahit na minsan.” Pogi naman kasi talaga ang anak ng matinee idol at sinasabi nga ring sila ay “may reputation.”

Pero isang bagay ang sigurado, hindi palulusutin ng matinee idol na ang kanyang anak ay makipagrelasyon sa bold star. Si matinee idol ay very particular din sa image ng kanyang mga anak.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with