^

Pang Movies

Third anniversary ng kamatayan ni Eddie Garcia, ginunita  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Third anniversary ng kamatayan ni Eddie Garcia, ginunita           

Tatlong taon na pala ang nakaraan simula nang yumao ang magaling na actor at showbiz legend na si Eddie Garcia. May edad na rin naman si direk Eddie, natatandaan naming noong huli namin siyang nakita ay talagang medyo mahina na siya.

Pero hindi siya mamamatay kung hindi napatid sa cable na nakalatag sa kalye. A ng cable ay gamit nila sa taping ng isang serye na idinidirek ng yumao na ring si Toto Natividad.

Ang unang kuwento ay inatake siya. Kaya nga nakita pa sa mga video na basta na lang siya binuhat ng mga kasama niya, isinakay sa isang taxi at dinala sa isang ospital sa Tondo dahil iyon ang pinaka-malapit.

Pero nagkaroon pala siya ng problema sa cervical spine dahil sa kanyang pagbagsak.

Nakasama pa ang pagbuhat sa kanya nang ganoon.

Hindi natin masasabing kapabayaan, kung hindi kawalan ng paghahanda.

Isipin ninyong bago siya nadala sa ospital ay nagtagal din dahil naghanap pa sila ng taxi, hindi na kasi makalabas ang kanilang mga sasakyan na naipit sa kanilang pinagparadahan.

Wala rin silang first aider man lang na mas nakakaalam sana kung papaano dapat buhatin at dalhin ang pasyente sa ospital.

Pagkatapos noon matindi ang mga usapan. Pinagmulta ng DOLE ang producer ng teleserye. Multa pa lang iyon, wala pang makukuha roon ang pamilya ni Eddie Garcia.

Marami ring lumabas na panukalang batas.

Nagkaroon pa ng batas talaga na tinawag nilang Eddie Garcia law, na nagtatakda na kailangan maglagay ng mga paghahanda upang ‘di maulit ang ganung aksidente sa shooting. Kailangan may doctor. Kailangan may ambulansiya, pero nasusunod ba iyan lalo na ng mga pelikulang indie na ang puhunan ay wala pang isang milyong piso?

Tatlong taon matapos na mamatay si direk Eddie, minsan ay may nadaanan kaming taping ng isang serye, naghambalang pa rin ang mga cable sa set.

Ate Guy, may natapos na pelikulang pang international filmfest

May isa pa palang pelikulang natapos si Nora Aunor, na sa himig ng kuwento ay nagustuhan daw ng mga kritiko, at puring-puri nga siya ng mga iyon.

Sinasabi ring ngayong national artist na siya ay mas maipapadala pa iyon sa mga film festival abroad.

Pero ang tanong namin, ano nga ba ang nangyayari sa mga festival na iyan?

Wala. Nailalabas sila sa abroad, hindi sa commercial screening, sa limitadong festival audience lamang.

Kagaya lamang iyan ng maliliit na festivals sa Pilipinas, na kung saan nagkakaroon ng slide screening lamang ang dalawa o tatlong pelikula sa isang sinehan.

Ginagawa nila iyan sa pag-asang doon ay may makikilala silang distributors na baka maging interesado sa kanilang pelikula.

Pero sa rami nang dinala na sila sa mga foreign film festival, na ang iba ay nanalo pa ng awards, ilan ang naibenta?

Ilan ang naipalabas commercially sa abroad. Eh dito nga ni hindi maipalabas sa mga sinehan.

Iyon dapat ang trabahuhin nila, iyong maialabas naman ang pelikula ni Nora sa mga sinehan.

Mga baguhang artista, ‘di na alam ang moralidad

Sunud-sunod ang pag-aalisan ng mga “male star daw” na sumikat sa social media, papunta sa isang Asian country.

Madali lang naman daw kasi basta may passport ka, walang kailangang visa.

Makakapanatili ka roon nang thirty days nang walang visa. At ang kuwentuhan, “sa thirty days  malaking pera na ang kikitain at mai-uuwi mo.”

Dahil ba iyan sa hirap ng buhay kaya hindi na nila iniisip ang posibilidad na mahawa sila ng Covid, o kaya ay HIV?

Hindi pera lang ang mahalaga sa buhay na ito, at ang nakakalungkot, mukhang bagsak na bagsak na nga ang moralidad sa mga kabataan ngayon.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with