^

Pang Movies

Nora, inaasahan na magkaka-pelikula na pang-sinehan!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nora, inaasahan na magkaka-pelikula na pang-sinehan!           

Ngayong naideklara nang isang national artist si Nora Aunor, ano na kaya ang kasunod? Ganoon na lang ba iyon? Hindi ba dapat bigyan siya ng proteksiyon bilang isang national artist? Hindi ba kasabay ng dignidad ng isang national artist, si Nora ay dapat bigyan ng isang mainstream movie, may tamang budget upang maipalabas sa mga sinehan.

Anong katuturan ng pagiging national artist kung ang ipagagawa sa kanya ay mga indie lamang na ipalalabas sa internet?

Iyan ang dapat isipin ng mga nagsulong kay Nora bilang national artist. Bakit sila papayag kung ang klase ng pelikula niya ay kagaya lamang ng mga pelikula nina AJ Raval at Angeli Khang?

Bagama’t ang kuwestiyon ngayon ay ‘economics.’ Ang admission prices sa sinehan ay mula sa 320 hanggang sa 410 pesos, depende sa lugar.

Ang isipin ninyo, sino ang magbabayad nang ganyan kalaking halaga ngayon sa sine kung ang panonoorin mo lang ay indie?

At dito sa atin, ang solusyon lang diyan ay magkaroon talaga ng distinction kung sino ang pang sinehan o pang internet na lang.

Kung hindi kikita sa sinehan, sa internet ka na lang dahil kawawa naman iyong sinehan kung malulugi lang.

 Kung si Nora naman ang mamimili ng projects, dahil national artist siya, mabubuhay ba naman siya sa buwanang national artist pension kung wala nang kumuha sa kanya?

Isa pa, tataas ba ang talent fee niya ngayon kaysa dati, bilang respeto man lang sa pagiging national artist niya?

Richard Reynoso, worried sa mga nakapilang concert ng mga international singer

Hindi maitago ni Richard Reynoso ang pagkabahala na panay ang concert sa bansa ng mga dayuhang singer, samantalang ang mga local artista ay tengga na. Pero tanggapin natin ang katotohanan na marami ang namumuhunan sa mga foreign artist dahil mas kumikita ang mga iyon.

Nangyayari iyon dahil kulang o halos wala nang effort para makapagpasikat ng mga local artist sa ngayon. Hindi gumagalaw ang music industry. Makikita mo ang may bagong recording ay mga baguhan na siyang gumagastos sa recordings nila kaya lumalabas na sila pa ang pinagkakakitaan ng kumpanya.

Siguro nga may kasalanan ang media, lalo na ang telebisyon. Eh mas itinutulak nila ang mga artist na dayuhan, lalo na ang mga Koreano kaysa sa mga Pilipino. Kasi pinakikinabangan nila sa teleserye, na nabibili nila nang mas mura, ipinapa-dub na lang, kaysa sa mag-produce ng local series, na bukod sa magastos na, napakarami pang regulasyon.

At hindi magbabago iyan hanggang hindi nagiging normal ang lahat sa atin.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with