^

Pang Movies

Cristine, kabilang na sa Malacañang!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Cristine, kabilang na sa Malacañang!

Kabilang na sa cast ng Maid in Malacañang  sina Karla Estrada, Beverly Vergel at Elizabeth Oropesa. Si Karla ay si Yaya Santa, si Beverly ay si Biday, at si Elizabeth ay si Manang Lucy. Silang tatlo ang gaganap na maids sa palasyo, maid ng mga Marcos sa controversial movie na hindi pa man sinisimulan ni director Darryl Yap ang shooting ay pinag-uusapan na.

Kilalang supporters ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte ang tatlo, hindi na sila matatakot i-cancel ng supporters naman ni VP Leni Robredo. Si Beverly nga, napanood namin ang interview na sanay na siyang ma-cancel dahil nang suportahan si President Rodrigo Duterte, kinansel siya ng showbiz industry.

Wala raw nagbibigay sa kanya ng pelikula at pati guesting sa TV ay matumal dahil lang supporter siya ni Pres. Duterte, hindi takot sa cancel culture.

Si Cristine Reyes ang parang ikakansel dahil sa mga nabasa naming comments na hindi na sila nagulat na pumayag itong mapabilang sa cast ng Maid in Malacañang. Bagay raw si Cristine sa role ni Sen. Imee Marcos dahil hindi ito tuminding noong ipasara ang ABS-CBN.

Rocco at Melissa, nagpapraktis na sa pagkarga ng baby

Naghahanda na sina Rocco Nacino at asawang si Melissa Go­hing-Nacino sa pagda­ting ng kanilang baby.

Nagpa-practice na sila kung paano kargahin ang baby at kung paanong gamitin ang baby carrier.

Namimili na rin sila ng gagamitin ng kanilang baby gaya ng stroller, at hindi pa man ipinapanganak si Baby N, parang makukumpleto na ang mga gamit niya dahil bukod sa nagsa-shopping, marami ang nagrere­galo ng baby stuff sa mag-asawa.

Sabagay, hindi pa man ikinakasal at ginagawa pa lang ang bahay ni Rocco, pinagawan na niya agad ng nursery room para raw ‘pag may baby na sila ni Melissa, handa na sila.

Darren, personal na inabot ang bouquet sa lolo ni Cassy

Ang sweet naman ni Darren Espanto, siya mismo ang nag-deliver ng bouquet of flowers at dinala niya sa wake ng lolo ni Cassy Legaspi. Nakapirma ang buong Espanto family sa card na kasama sa bouquet of flowers. Kaya ang pasasalamat ni Cassy ay sa buong Espanto family.

Nagpadala rin ng flowers ang buong First Lady family, pero may sariling ipinadalang flowers sina Sanya Lopez, Maxine Medina, Cai Cortez, Thia Thomalla at Kakai Bautista.

Naging close sina Sanya and company at nangakong mananatili ang kanilang friendship kahit wala ng taping at tapos na ang First Lady.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with