^

Pang Movies

Dimples, nagulat sa ginawa nina Angel at Bea

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dimples, nagulat sa ginawa nina Angel at Bea

Baby boy ang nakatakdang isilang ng Kapamil­ya actress na si Dimples Romana next month (July) at meron na silang nakahandang pangalan ng kanyang husband na si Boyet Ahmee na Elio.

It took seven years bago nasundan ang kanyang second at bunsong anak na si Alonzo (7) at aminado ang aktres na hindi niya ini-expect na magkakaroon pa sila ng anak after Alonzo.

It was on March 27, 2022 nang magkaroon ng gender-reveal party ang mag-asawa kasama ang kanilang dalawang anak na si Callie (18) at Alonzo at doon nila i-announce na boy ang kanilang pangatlong anak.

Nung nakaraang Martes, June 7, ay binigyan naman si Dimples ng surprise baby shower party ng kanyang mga kaibigan na pinangunahan nina Angel Locsin at Bea Alonzo.

Bukod sa pamilya ni Dimples, Angel at Bea, naroon din ang respective partners ng dalawa na sina Neil Arce at Dominic Roque. Dumating din ang mag-partner na sina Kim Molina at Jerald Napoles, Janus del Prada, Ahron Villena at iba pa.

Masayang-masaya si Dimples sa efforts at pagmamahal ng kanyang malalapit na kaibigan lalung-lalo na kina Angel at Bea.

Si Dimples ay huling napanood sa hit primetime TV series na Viral Scandal na tinampukan din nina Charlie Dizon, Joshua Garcia at iba pa.

Arjo, aalukin na ng kasal si Maine?!

Sa darating na Nov. 5 ay 32 years old na ang Kapamilya actor turned politician na si Arjo Atayde at sa December 2022 naman ay mag-aapat na taon ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Maine Mendoza.

Kasunod na kaya ito, Salve A. ng proposal ng binata ng veteran actress na si Sylvia Sanchez at mister nitong si Art Atayde na si Maine?

Abangan!

Prince Harry at Meghan, walang big celebration sa bunsong anak

Dumalo ang mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex sa Platinum Jubilee Celebration ni Queen Elizabeth II, grandmother ni Prince Harry na ginanap sa Buckingham Palace in London last June 2 hanggang June 5. Pero hindi lahat ng activities ay dinaluhan ng dalawa.

Doon na rin inabutan ang first birthday si Lilibet Diana, ang second at bunsong anak nina Prince Harry at Meghan pero hindi na sila nagkaroon ng big celebration at ginawa itong pribado ng mag-asawa kasama ang kanilang panganay na anak na si Archie Mountbatten-Windsor.

Idinaan na lamang sa social media nina Queen Elizabeth II at mag-asawang Prince William at Kate Middleton, Duke at Duchess of Cambridge ang kanilang pagbati kay Lilibet kaya walang photos ang inilabas ng Royal Family.

Magmula nang umatras ang mag-asawang Prince Harry at Meghan sa royal duties nang sila’y mag-desisyon manirahan sa Santa Barbara, California, USA at maging pribadong citizens, hindi na kasama ang royal couple sa activities ng royal family.

Iniwan na rin ng mag-asawang Prince Harry at Meghan ang kanyang ten-bedroom house in Frogmore Cottage at doon lumipat ang pinsan niyang si Princess Eugenie at mister nitong si Jack Brooksbank at ang kanilang one-year-old son na si August Philip nung November 2020, 10 months matapos mag-relocate sa Amerika ang mag-asawa.

Magmula rin nang sumabog ang controversial interview ni Oprah Winfrey sa royal couple nung March 2021 ay tila naging cold na ang trato sa kanila ng royal family.

Sina Prince Harry at Meghan ay nakabili ng property sa Montecito, Santa Barbara, California na nagkakahalaga ng $14.65M at dito na nila palalakihin ang kanilang dalawang anak na sina Archie at Lilibet Diana.

vuukle comment

DIMPLES ROMANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with