^

Pang Movies

Luis ‘di sinipot ng basher na naghamon ng suntukan, aminadong bata pa lang nang pagbintangang bading   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Luis �di sinipot ng basher na naghamon ng suntukan, aminadong bata pa lang nang pagbintangang bading          

Aminado si Luis Manzano na bata pa lang siya ay naba-bash na siya. Wala pa ngang social media noon pero kung anu-ano na raw ang naririnig niyang sinasabi sa kanya ng mga tao

“Bata pa lang ako, ‘pag dumadalaw ako sa show ng mommy ko (Vilma Santos), sa Vilma dati - ito ‘yung ginagamit nilang pang-bash, hindi ko sinasabi na negative ‘yung connotation - sinasabi sa ‘kin na ‘ay bakla ‘yan,’ ganyan-ganyan,” kwento ni Luis sa panayam ni Ogie Diaz.

Palibhasa nga raw, ang lagi niya ring kasama kapag nasa show siya ay dancers ng mommy niya, so napagbibintangan siyang bading. “Bata pa lang ako may ganun na,” aniya.

Pero kahit daw sinasabihan siyang bading ay hindi naman siya apektado at natatawa na lang siya. “So ako, sa akin kahit anong mga hirit ‘yan, natatawa ako,” aniya.

Hanggang ngayong may social media na, ito pa rin ang laging sinasabi tungkol sa kanya. At siyempre, minsan, sumasagot din naman daw siya.

“’Pag sumasagot ako, dahil natatawa lang ako. Hindi naman ako ‘yung ‘opo,’ ‘wala po,’ hindi naman ako ganu’n, eh. So, ‘pag sumasagot ako, dahil gusto kong makipag-asaran sa ‘yo,” aniya.

Basta raw huwag lalampas sa linya na pati raw pamilya niya ay idinadamay na. Kung siya lang daw ang bina-bash eh okay lang daw sa kanya kahit ano pa ‘yun.

Naikwento nga rin niyang may basher na minsan ay nag­hamon ng suntukan sa kanya at tinanggap naman niya ang hamon. Pumunta raw siya sa lugar na napag-usapan pero hindi raw ito sumipot.

Anyway, natanong din kay Luis ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ng misis na si Jessy Mendiola at ayon sa aktor/TV host ay ine-enjoy raw muna nila ang kanilang marriage tutal naman ay bata pa ang kanyang asawa.

Hindi naman daw siya nape-pressure sa mga naiinip na magkaroon sila ng anak pero aminado siyang mas nakaka-pressure ito kay Jessy. “In fact, nag-post siya, sigu­ro, mga last year yata, mga December na ‘huwag n’yo namang madaliin.’ Siyempre, naiintindihan ko naman na ‘yung iba nae-excite lang, naiintindihan ko naman. ‘Yung iba, gusto mong mang-asar lang. Pero sa akin kasi, may mga timeline tayong sinusunod, may mga gusto kang gawin,” aniya.

Coleen, napuri sa pagpapasuso sa gitna ng dagat

Pinuri ng netizens si Coleen Garcia na nag-post ng larawan na nagpapa-breastfeed siya sa kanyang anak na si Amari habang nasa paddle board sa gitna ng dagat. “It was my first time on the paddle board, and I was finally having some nice alone time, until the little guy spotted me while he was playing in the water. It was nice while it lasted,” bahagi ng caption ni Coleen.

Kaaliw ang hashtag ng aktres na “strike anywhere” at “as in anywhere.”

Ang cute ring tingnan ng mag-ina habang nasa tabi rin nila ang mister ni Coleen na si Billy Crawford.

Marami ang naka-relate kay Coleen na mga nanay at ang ibang netizens naman ay talagang puring-puri ang aktres for being a breastfeeding mom.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with