^

Pang Movies

Enrique, walang paramdam

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Enrique, walang paramdam

Hinahanap kay Liza Soberano ang boyfriend nitong si Enrique Gil sa latest post nito sa Instagram na dumalo sa Levi’s 501 Day Haus Party. Hindi kasama ni Liza sa Amerika si Enrique, kaya siguro walang sightings sa kanilang dalawa.

Napansin ng fans na isa sa mga nag-like ng photo ni Liza sa nasabing party ay ang Thai actor na si Bright. Mabilis daw mag-like ng post ni Liza ang Thai actor na friend naman yata ng actress dahil pina-follow siya sa IG ni Liza.

As for Enrique, tila hindi ito nagpaparamdam sa IG at ang last post ay May 21 pa.

Rufa Mae, nalito sa hotel

Nagpapatawa lang ba si Rufa Mae Quinto o talagang hindi alam na magkaiba ang Novotel Hotel sa Araneta Cubao, Quezon City at Nobu Hotel na nasa Manila. Nakalagay kasi na location sa post niya sa mediacon ng Tols ay Nobu Hotel, City of Dreams Manila.

May nag-comment na nasa Novotel siya na nasa Araneta nga, hindi yata nabasa ni Rufa Mae dahil hindi pa niya pinapalitan ang kanyang location.

In fairness, nakatatawa si Rufa Mae sa nasabing mediacon ng Tols, idagdag pa si Betong Sumaya, siguradong masaya ang family comedy na mapapanood sa GTV, 7:00 p.m., simula sa June 25. Sayang at walang nakapagtanong sa dalawa ng reaction nila na kasabay ng comedy show nila ang Jose & Maria’s Bonggang Villa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Paano nga kaya sasagutin ng dalawa sakaling naitanong ‘yun.

Nanay ng triplets ang role ni Rufa Mae sa Tols bilang si Barbie, nililigawan siya ni Tuks (Betong) and for the first time, komedyante na kontrabida ang role rito ni Betong.

Sabi rin pala ni Rufa Mae, kaya siya bumalik sa showbiz dahil wala siyang career sa Amerika. Nag-aalaga lang siya ng asawa at anak, nagluluto, at naghuhugas ng pinggan. Nagkaka-career lang siya kapag may mga show at dahil walang magbabantay sa anak na si Athena, isinasama niya ito at minsan, kasama na rin sa show. Hahaha!

Maganda ang isang rason ni Rufa Mae kung bakit sila umuuwi ng Pilipinas ng anak. Gusto raw nila ng asawang si Trevor Magallanes na matutong mag-Tagalog si Athena na English speaking na nga at may Sanfo accent pa.

Marco, hindi dadalhin sa home for the aged ang nanay

Nasa Singapore si Marco Gumabao, may ginagawang international TV series na ‘di binanggit ang title. Nag-start na ng shoot si Marco at sa nakita naming photos niya, may kasama siyang girl na part siguro ng production.

May post si Marco habang nasa eroplano siya at may caption na “Can’t wait to share it with ya’ll be back in 5 weeks.”

May post din si Marco tungkol sa mom niya noong birthday ng mom niya. Ang ganda ng sinabi ng aktor na “You took care of me when I was young and groomed me to the man I am today. I promise to take care of you forever. (We won’t send you to a home for the aged don’t worry) I love you schmul.”

vuukle comment

ENRIQUE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with