^

Pang Movies

Alma at kapatid, nanakawan ng P300K ng kasambahay!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi napigilan ni Alma Concepcion na i-post sa kanyang Facebook account ang litrato ng kanilang kasambahay na nagnakaw sa kanila.

Ayon sa former beauty queen, napaamin niya ang kasambahay sa ginawa nitong pagnanakaw sa kanyang pamilya.

Sa ginawang pag-iimbestiga ni Alma, dalawang taon na raw silang pinagnanakawan ng kanilang kasambahay. Umabot daw sa higit sa P300,000 ang nanakaw nito. Ang ibang ninakaw daw nitong pera ay galing sa anak niyang si Cobie at sa kanyang kapatid.

Heto ang post ni Alma sa Facebook: “Beware of this person Jhovelyn Castillo. She was our house staff. Madami nawala sa amin. Please share and be aware. Salamat. Around P300k ang napapadala niya sa probinsya sa loob ng dalawang taon na hindi pasok sa sahod niya. ‘Yung iba di pa namin alam. Umamin siya nung nawalan ng dollars ‘yung brother ko. Siyempre pati Beautederm items nakita ko nakatago sa laundry area nung naglinis ako nung umalis na siya, kaya ayun gumanda sa amin.

“We treated her like family- nakakagimik, nakakabarkada, nakaka ‘hang out’ pa mga kaibigan dito pero wala pa rin. Pangit ang sinukli. Tiga Romblon siya. Nung umamin siya pinaalis namin at nakita namin ‘yung mga resibo ng Palawan na umabot ng 300k sa loob ng mga dalawang taon. Pakulong ko kaya?

“Panay dollars ang kinuha sa kapatid ko Albert Carvajal Concepcion na tinrato siyang barkada parati pa siya sinasama sa labas labas at nood ng sine. Pati anak ko, [si] Cobie Puno nawalan din ng money dahil siyempre sa bahay relax lang naka patong lang mga wallets kung saan saan. Kung nasaan ka man Jhovelyn [private message] mo ako.”

May suggestions ang ilang netizen kay Alma na sa susunod daw ay sa isang kilalang agency na kumuha ng kasambahay para malaman kung may malinis ang record nito. At bago raw sana pinaalis ni Alma ang kasambahay ay ni-report niya ito sa kanilang barangay at mapaamin kung ano pa ang mga ninakaw nito sa kanilang bahay.

vuukle comment

ALMA CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with