^

Pang Movies

Mga negosyo nag-umpisa sa P3K...Neri nakabili naman ng vacation house sa Baguio

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Mga negosyo nag-umpisa sa P3K...Neri nakabili naman ng vacation house sa Baguio

Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda is so lucky to have former actress Neri Naig-Miranda as his partner in life, not only because she’s a responsible wife and doting mother to their two kids – Miggy (5) and Pia (8 mos. old) kundi dahil sa entrepreneurship skills nito.

The celebrity mom-entrepreneur na kilala sa pagiging madiskarte at `wais na misis’ was able to put up several businesses now numbering to over 10.

Malayo na nga ang narating ng dating Kapamilya actress at successful businesswoman na si Neri dahil sa kabila na ilang beses din siyang nag-fail sa ilang businesses na kanyang pinasok (including franchises), hindi siya nawalan ng pag-asa na sumubok sa ibang business venture.

With only P3,000 na puhunan sa kanyang gourmet tuyo na una niyang inalok sa kanyang mga kaibigan at kakilala, ito’y nag-clik hanggang tuluyang lumago at nadagdagan pa ng marami pang iba. Nung nakaraang kaarawan ng kanyang husband na si Chito Miranda last Feb. 7, ito’y niregaluhan ni Neri ng isang yate.

College pa lamang noon si Neri ay mahilig na itong magnego-negosyo. Nagbebenta na siya noon ng mga pagkain hindi lamang sa kanyang mga kaibigan kundi maging sa mga opisina.

Ang business technical know-how ni Neri ay kanyang minana sa kanyang madiskarteng ina.

Kung meron nang maraming properties na naipundar si Neri for her family including a resthouse in Tagaytay, a farm in Cavite, meron itong bagong acquisition, isang resthouse in Baguio City na kanyang nabili may tatlong buwan na rin ang nakakaaran.

Bukod sa masuwerte ang husband ni Neri na si Chito, secured na rin ang magandang future ng kanilang dalawang anak na sina Miggy at Pia.

Direk Joey, nakumbinsi ni Direk Joel

We’re happy para sa award-winning writer, screenplay writer and director na si Joey Javier Reyes dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakagawa ito ng pelikula for Viva Films para sa Vivamax streaming app sa pamamagitan ng sexy movie na Secrets na tinatampukan ng dating beauty queen-turned sexy actress na si Janelle Tee, Denise Esteban, Felix Roco at ang baguhang actor na si Benz Sangalang na siya rin mismo ang sumulat.

Hindi ikinakaila ni Direk Joey na ang kaibigan niyang director, ang isa pang award-winning director na si Joel Lamangan, ang nagkumbinsi sa kanya na subukang gumawa ng pelikula for Viva Films specifically for their own streaming platform, ang Vivamax na meron nang mahigit 3M subscribers.

True enough, ito’y nasundan ng pakikipag-meeting niya Viva big boss na si Boss Vic del Rosario at agad nabuo ang kanilang kasunduan.

Bukod sa Secrets which Direk Joey line-produces for Viva, may tatlo pa siyang naka-line up na gagawin.

Although kilala si Direk Joey sa mga pleasant drama, romantic, comedy ang thriller movies, hindi maikakaila na siya ang nagdirek noon ng napaka-controversial movie na Live Show.

Ang Secrets ay mapapanood na simula ngayong June 10, araw ng Biyernes.

vuukle comment

CHITO MIRANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with