^

Pang Movies

Ken, mahusay na sa negosyo   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Ken, mahusay na sa negosyo            

Isang Filipino-Chinese si Kapuso actor Ken Chan, kaya natuwa siya nang i-offer sa kanya ng GMA Network, ang role ni Richard Lim, sa third episode ng Mano Po Legacy: Her Big Boss.

“Masaya ako at naka-relate ako sa role ko na may-ari ng isang company dahil, bukod sa acting, isa rin akong negosyante at may-ari ng isang company,” kuwento ni Ken sa interview sa kanya.

Nabanggit din niya sa nasabing interview ang ang mga negosyo niya : “Mayroon po akong Christmas-themed restaurant, ang Café Claus, at gasoline stations na iFuel. Masaya rin po ang family ko nang malaman nilang gagawin ko ito, dahil noong bata pa ako isa ang Mano Po sa mga pinapanood namin sa Metro Manila Film Festival dahil nakaka-relate kami bilang isang Filipino-Chinese family.

“Nakakatuwa po na nagagamit ko rin sa sarili kong company ang mga natututunan ko rito sa aming serye.”

Napapanood, 9:20 p.m., ang Mano Po Legacy: Her Big Boss after Bolera sa GMA 7.

Iya, ‘di pa hirap kahit manganganak na

Kinatutuwaan si Iya Villania-Arellano, host ng Chika Minute segment ng 24 Oras, ng mga kasama niya sa newscast, na sina Ms. Mel Tiangco, Vicky Morales at Mike Enriquez, dahil ang saya-saya pa rin niya, sa kabila na nasa 37th week of her pregnancy na siya ng fourth child nila ni Drew Arellano. Sabi pa ni Iya, hindi pa rin daw siya nagpa-file ng maternity leave.

“Normally, at my 37th week, nagpa-file na ako ng maternity leave, but this time, ita-try ko to work until my 38th week,” sabi ni Iya. “Getting so anxious about how labor and deli­very will unfold this time around.”

Bukod sa 24 Oras, patuloy pa rin si Iya sa pagti-taping ng episodes ng daily morning show nila nina Camille Prats at Kuya Kim, ang Mars Pa More.

Bolera, nag-trending

Nagpasalamat ang cast ng new sports drama series ng GMA Network na Bolera, headed by Kylie Padilla, Jak Roberto at Rayver Cruz, sa mainit na pagtanggap sa kanila ng televiewers, na nagbigay sa kanilang pilot episode ng rating na 12.7 percent based sa data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings. Bukod sa mataas na rating, nag-trending din ang Bolera sa Twitter Philippines ng more than 7,000 tweets.

Napapanood ang Bolera at 8:50 p.m., pagkatapos ng First Ladysa GMA 7.

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with