^

Pang Movies

Mga nag-aambisyon ng career sa Hollywood, laos kay Lea  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga nag-aambisyon ng career sa Hollywood, laos kay Lea           

Ang totoo kahapon lang namin nakita at napanood ang video ni Lea Salonga, nang kumanta siya sa National Memorial Day concert na ginanap noong Linggo, bale Lunes na iyan dito sa atin, na ginanap sa West Lawn ng kapitolyo ng Wa­shington DC. Ang National Memorial Day ay isinasagawa bilang paggunita sa mga sundalo at iba pang manggagawa ng US Armed Forces na karamihan ay yumao na.

Kinanta ni Lea ang The Prayer, na siyempre napakahusay ng kanyang pagkakakanta at napakaganda pa rin ng kanyang boses. Hindi niya kailangang tumili para maabot ang matataas na nota ng awitin.

Pero ang mas nakatawag sa aming pansin ay ang ginawang pagpapakilala sa kanya ng host, kung saan sinabi noon na “the Broadway legend, Miss Lea Salonga.” 

Isang napakalaking karangalan iyan hindi lamang para kay Lea kundi sa lahat ng mga Pilipino. Isipin ninyo, sa isang national holiday ng America, hindi lamang siya ang kinuha para umawit, tinawag pa siyang Broadway legend, samantalang sa Pilipinas maraming “pretending to be superstars” na payag kahit na gawin lang extra sa US, at nagpapadala pa ang mga iyan ng audition videos ha.

Ang mga sinasabing sikat na singers sa Pilipinas, na ang audience lang naman sa US ay mga Pilipino rin, at minsan minumura pa dahil sa kamahalan ng tickets sa kanilang palabas, hindi mo masasabing dapat magmalaki. Hindi kasing-taas ng naabot ni Lea. Isipin naman kasi ninyo si Lea, siya lang ang may grandslam ng awards sa Broadway dahil sa kanyang performance noon sa Miss Saigon. Naging malaking hit din siya bilang Eponine sa Les Miserables, eh sino bang Pinoy ang ganyan, kahit na iyong binibigyan ng kung anu-anong titles dito sa Pilipinas?

Sinasabi nga ng “old timers” sa US, bukod kay Lea, ang sumikat lang nang husto roon na mga Pinoy ay ang Reycard Duet at siPilita Corrales noong araw, na ang shows pinipilahan sa Las Vegas. Pero Las Vegas iyon, at night club rows iyon. Hindi pa rin gaya ni Lea na Broadway.

Rayver, mali ang ‘gimik’

Aywan nga ba kung palagay lang namin, pero mukhang bumababa na naman ang popularidad ni Rayver Cruz.Tinamaan lang siya ng COVID, pagbalik niya naiba na. Huwag naman ninyong sabihin na isa si Rayver na magiging biktima ng pagbaha ng mga bagong talent sa GMA, na nagtatalunan na mula sa Mother Ignacia dahil mukhang malabo na ngang mabalik ang prangkisa.

Nakakahinayang si Rayver dahil ang lakas ng dating niya bilang performer at host, pero mukhang may maling publicity gimmick. Alam naman ninyo kung minsan, kahit na anong galing ng talent, kung mali naman ang diskarte sa publisidad, nababatak pababa.

Ibang celeb, nila-live selling ang mga ukay-ukay

Noong panahon ng lockdown, maraming celebrities, lalo na iyong hindi gaanong sikat, na pumasok sa live selling sa internet. Ano nga naman ang gagawin nila sa napakaraming damit at sapatos na bigay lang naman ng sponsors. Iyong fans naman nila binibibili kahit na mahal dahil parang souvenir na lang mula sa kanilang idols.

Pero lately, tuloy pa rin ang raket nila, pero iba na. Hindi na gamit nila ang ibinebenta kundi mga nabibili sa ukay-ukay, mahal pa rin ang bentahan kahit na barya lang ang puhunan. Maliwanag na biktima ang mga bumibili na akala ay souvenir iyon mula sa kanilang idols, pero iyon pala ukay-ukay na.

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with