^

Pang Movies

Partner na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Partner na!

Walang keber na tinawag na partner ng beauty queen-turned actress na si Rabiya Mateo ang boyfriend na si Jeric Gonzales na sabay niyang pumirma sa Sparkle GMA Artist Center sa virtual mediacon ng Signed For Stardom.

Bago tinawag na partner, sinabi ni Rabiya na binakuran na siya ni Jeric nang magsama sila sa isang episode ng Wish Ko Lang, huh!

Sa totoo lang, kahit sumabak sa Miss Universe, simpleng tao lang si Rabiya. Sa pahayag niya, wala siyang mamahaling bags, sapatos at ibang gamit dahil sa ngayon, nabigyan na niya ang bahay at lupa ang single mom niya at kotse na lang ang pinag-iipunan niya.

“Mas maganda kasi ‘yung pinaghihirapan mo ‘yung perang kinikita ko. At my age, I want to pay back my mom sa lahat ng sacrifices niya sa pagpapalaki sa akin,” rason ni Rabiya.

Ang unang nag-alok sa kanya upang subukan ang acting ay si Annette Gozon-Valdes ng GMA Pictures.

Nang pasukin ang showbiz, nagkasunud-sunod na ang projects niya at may coming variety show siya with Kim Atienza at Pokwang.

Wala namang reaksiyon si Jeric sa tinuran ng girlfriend na si Rabiya.

Eh, ratsada kasi ngayon sa career niya si Jeric. Desidido na siya noong pumunta sa abroad upang doon ipagpatuloy ang pagiging registered nurse.

Pero nagbago ang lahat nang sumali siya sa Mr. Laguna pageant at nasali sa reality talent show na Protege.

Naging mabagal man ang usad ng career niya noon, ngayon, masigla na ang career ni Jeric lalo na nang gawin niya ang movie na Broken Blooms kung saan nanalo siya ng international acting awards.

Soon, mapapanood siya sa TV series na Start-Up at kasama niya si Alden Richards na minsan ding lumaban sa Mr. Laguna pageant.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with