^

Pang Movies

Aga, direktor na?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Aga, direktor na?!

Nakunan ni Aga Muhlach ng video at pinost sa kanyang IG stories ang nasusunog na bahay sa Baguio City. Parang malapit sa kinaroroonan nila Aga dahil ang linaw ng kuha niya, pati ang paglaki ng apoy. Nakunan din nito ang pagdating ng bumbero at dahil tinapos niya ang video.

Nasa Baguio si Aga dahil may ginagawang project na hindi malinaw kung siya ang aktor o siya ang director. Intriguing kasi ang hashtag niyang #firstever na kung siya ang lead actor sa project, hindi ‘yun ang kanyang gagamiting hashtag.

Intriguing din ang comments na parang hindi ang pagiging aktor na Aga ang tinutukoy, kundi ibang bagay. Sabi ni Karen Davila, “Congratulations Aga! Always growth” na sinundan ni Arnold Clavio ng “Good luck bro.” Naki-congratulate rin sina Jackie Lou Blanco at iba pang followers ni Aga. Ang asawa ni Aga na si Charlene Gonzalez-Muhlach, nag-comment ng emojis ng man’s head with red heart sa eyes, pero walang sinabi.

Pinost din ni Aga ang cameras at ibang equipment na ginagamit sa shooting.

Naalala namin, nabanggit niyang mga producer sa bago niyang project sina director Dan Villegas at Antoinette Jadaone.

Anyway, kung anuman ang bagong project ni Aga, makiki-congratulate na rin kami.

Gabby, binisita ang walk of fame

Ngayon pa lang ba nabigyan ng Walk of Fame ng GMA Network si Gabby Concepcion o ngayon lang nakita ni Gabby ang kanyang Walk of Fame Star, kaya pinost niya sa Instagram? Maganda ang pagkakakuha sa video na hindi siguro si Gabby ang kumuha dahil ang ending ng video, nakaupo siya sa tabi ng kanyang Walk of Fame star na ang ganda ng ngiti.

Hindi lang mga taga-showbiz ang nag-congratulate kay Gabby, pati followers niya at may nagtanong pa ngang fans kung bakit hindi siya tumatanda?

Hindi nga tumatanda si Gabby, kumpara sa mga ka-batch niya, siya ay kaya pang maka-love team si Sanya Lopez at nauna na niyang nakapareha sina Carla Abellana at Jennylyn Mercado. Ano nga ba ang sikreto ni Gabby?

Samantala, natutuwa si Gabby na nami-maintain ng First Lady ang mataas na ratings, lalo na sa mga episode ngayon na tungkol sa pulitika at eleksyon. Nakaka-relate hindi lang ang mga politician, pati na ang mga botante.

Joey, gustong itakas ang anak ni Winwyn

Habang tinitingnan ang magandang baby daughter ni Winwyn Marquez, naalala namin ang sinabi ni Joey Marquez sa mediacon ng Bolera na hinihingi niya ang apo kina Winwyn at sa ama ng bata. Ayaw lang daw ibigay ng mga magulang.

Nagbiro pa si Joey na ayaw iwan nila Winwyn ang baby sa kanya dahil alam na hindi na niya ibabalik, itatakas daw niya at bahala nang maghabol ang mga magulang ni Baby Luna.

Sa nasabi ring mediacon, in-announce ni Joey na engaged na sina Winwyn at ang partner nito na hindi pinangalanan ni Joey. Inunahan niya ang engaged couple na i-announce na engaged na sila at sa tono ng pananalita ni Joey, boto siya sa partner ni Winwyn ngayon.

Grade four pa lang daw sina Winwyn at partner niya, magkakilala na dahil bestfriend ng anak niyang si Yeoj ang guy. Nagkalayo lang daw sila ni Winwyn dahil magkaiba ang trabaho, pero nagkita uli and the rest is history.

Wala pang binanggit si Winwyn kung kailan ang kanilang kasal ng kanyang fiance. Sa kanyang baby ang focus niya ngayon ay sa caption ng larawan ng anak, ramdam na happy mom si Winwyn.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with