^

Pang Movies

Miles at Elijah, isang taon na

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Miles at Elijah, isang taon na

Mag-syota na pala sina Miles Ocampo at Elijah Canlas. Take note isang taon na ang kanilang relasyon pero ngayong lang ito ibinuking ni Elijah, huh!

Lovelife pala ang mas inuna ni Elijah kesa career niya. Eh ang kapareha niya sa BL (Boy’s Love) series na ginawa nila na si Kokoy de Santos, career muna ang pinagbuhusan ng oras!

Look, si Kokoy ngayon, tatlo na ang shows sa GMA Network at bahagi na siya ng Sparkle talents ng GMA Artist Center, huh!

Dahil sa pagpuprsige ni Kokoy, may Pepito Manaloto, Bubblee Gang at kasama siya sa cast ng bagong show ng GMA na Running Man Philippines!

Beauty, hataw 

Lahat ng ginawang shows ni Beauty Gonzales sa Kapuso Network ay nagri-rate ayon sa isang GMA insider.

Ginawa ni Beauty sa Kapuso ang Loving Miss Brigette, I Can See You and now, bidang-bida siya sa coming Kapuso series na The Fake Life.

This time, makikipagsabayan ang aktres kina Ariel Rivera at Sid Lucero na hasa na sa drama.

Eh in fairness naman kay Beauty, nakakasabay siya sa magagaling na artista!

Kaya kainggitan man si Beauty na bagong salta sa GMA, may rason naman siya para dedmahin ang mga inggit sa kanya dahil rater siya sa bawat show!

vuukle comment

MILES OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with