^

Pang Movies

Enrique, lilipat na rin sa GMA 7?!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Enrique, lilipat na rin sa GMA 7?!             

Kumakalat ang tsismis na posibleng lumipat si Enrique Gil sa GMA.

Tsismis lang iyan. Pero kung mangyayari, tiyak may kinalaman din sa paglipat ni Liza Soberano ng management sa kum­panya ni James Reid.

Eh ano pa nga ba ang maaasahan ni Enrique sa kanilang love team ni Liza kung sakali.

May isa pang tsismis, maaari raw tumalon na rin sa GMA ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Wala na rin naman silang kontrata sa ABS-CBN, kasi nga wala silang franchise.

Simula noong magka-pandemya, na nasundan pa nga ng pagkakasara ng ABS-CBN, wala na silang ginawa.

Nagkaroon naman ng show si Matteo sa TV5 na produced ng Viva, ang may hawak ng kanyang career, pero iba pa rin yung noon.

Sa ngayon, ang mga talent nila ay wala nang inaasahan kundi ang kanilang pagiging content producer para sa ibang networks, digital platforms o kung makakapag-blocktime sa iba pang networks.

Teleradyo, nasa free tv na uli!

May announcement na ang ilang personalities sa Teleradyo na babalik na raw sila sa free-tv channel, pero kailangan na i-scan sa mga digital receiver kagaya ng TV Plus, GMA Affordabox, o sa iba pang digital tuners na nabibili na mas mura sa Raon.

Ang narinig namin, sila pala ay magbo-broadcastsa ilalim ng BEAM, o Broadcast Enterprises and Affiliated Media, na ang may-ari ay Bethlehem Holdings na isang subsidiary ng Globe. Kaya pala may kuwento noon pa na ang tower ng ABS-CBN ay na-take over na raw ng Globe.

Ang UHF Channel ng Beam ay iyong Channel 31, na dating ginamit ng Radio Mindanao Network. May mga provincial UHF Channel din sila, na siyempre lilipat sa digital maaaring sa susunod na taon.

Malamang, ang deal nila ay kagaya rin noong sa AMCARA na ginamit nila noon para sa digital transmissions sa TV Plus.

Pero wala silang sinasabing babalik pa ang dzMM.

Male starlet, nagagamit ang RFID sa panraraket

Iba ang raket ng male starlet na ito. Nagte-text siya sa mga kakilala niya, at sinasabing hindi niya namalayan na wala na palang laman ang kanyang g-cash, kaya hindi siya makapag-load sa RFID na ginagamit sa pagbabayad sa toll sa expressway.

Nakikiusap siyang padalhan siya ng load sa g-cash.

Pero iyan ay dilihensiyang patay lang. Gusto lang niyang masubukan kung sino sa mga bading na may interest sa kanya ang basta-basta niya mahihingan ng pera.

Marami naman daw bading na may interest nga sa kanya ang nagpapadala ng datung. Minsan nga raw ipinagmamalaki pa ng male starlet na kumita siya ng 10K nang walang pagod at ‘walang nangyayari.’

vuukle comment

ENRIQUE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with