^

Pang Movies

Susan, nakatatak na sa selyo  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Susan, nakatatak na sa selyo         

Bago nilibing sa North Cemetary noong nakaraang Huwebes (May 26), pinagkaloob ng Philippine Postal Corporation ang isang espesyal na portrait para sa yumaong Queen of Philippine Movies na si Susan Roces bilang pagkilala sa kanya na Living Legend-Outstanding Filipino.

Tinanggap ni Senator Grace Poe ang portrait ng kanyang ina mula sa mga opisyal ng PHLPost at nagpasalamat..

“Mara­ming salamat sa PHLPost sa pagkilala kay Susan Roces bilang isa sa mga Living Legend Outstan­ding Filipino. Tunay na ipinagmalaki at ikinagalak niyang matanggap ang parangal na ito,” sey ni Senadora Grace.

Pinost naman ng PHLPost sa kanilang Facebook page ang parangal nila para kay Roces: “The Post Office honored Susan Roces, the Queen of Philippine Movies, as an Outstanding Filipino last February. Her memory will live on, and people will remember her for giving joy and pride to the nation through film and television.”

Kabilang si Roces sa mga napili para sa mga bagong selyo ng outstanding Filipinos na nagsilbing inspirasyon sa kanilang mga larangan.

Kasama ni Roces sina Nora Aunor, Gloria Romero, Rosa Rosal, at Vilma Santos; ang mga scientist na sina Dr. Ernesto O. Domingo at Dr. Baldomero Olivera; at ang bowler na si Olivia “Bong” Coo at basketball player na si “El Presidente” Ramon Fernandez.

Dating child actor, bubuhayin ang career

Teenager na ang dating child actor na si David Remo at comeback niya ang teleserye na Bolera pagkatapos na magpahinga sa showbiz ng ilang taon. Nakilala si David sa teleserye na Binoy Henyo noong 2013.

Sey ni David, dumaan siya sa awkward stage mula sa pagiging child actor sa TV at commercial ads sa pagiging tween. Kaya nagdesisyon muna ang kanyang parents na patigilin ng ilang taon si David para mag-concentrate ito sa kanyang pag-aaral habang nasa alanganin stage pa siya ng puberty.

Ngayon ay tama lang daw ang edad ni David na 15 at puwede na siyang i-relaunch bilang promising teen star sa ilalim ng Sparkle GMA Artist Center.

Sa Bolera, gaganap siyang kapatid ni Kylie Padilla at nag-training din siya ng paglaro ng billiards sa ilalim ng mga SEAG Gold Medalists na sina Johann Chua at Geona Gregorio.

Sa Instagram, makikitang gamit ni David habang naglalaro ng billiards ang tako na ibinigay sa kanya ng dalawang billiard masters.

Ellen Degeneres, pinag-iisipan ang susunod na gagawin

After 19 years ay nagpaalam na The Ellen DeGeneres Show. Umere ang huling episode noong May 26. “Twenty years ago, when we were trying to sell the show, no one thought that this would work. Not because it was a different kind of show, but because I was different,” pag-alala pa ni Ellen DeGeneres bago nagsimula ang kanyang show noong September 2003.

Pinagbawalan daw siyang banggitin ang word na “gay” at hindi pa legal noon ang same-sex marriage noong kinasal sila ng aktres na si Portia de Rossi noong 2008. “Sure couldn’t say wife, and that’s because it wasn’t legal for gay people to get married — and now I say ‘wife’ all the time,” tawa pa niya.

Ang first guest ni Ellen sa kanyang show ay ang Friends star na si Jennifer Aniston. Naka-20 times nang lumabas si Jen sa naturang show. Binigyan ni Ellen si Jen ng welcome doormat na may nakasulat na “Thanks for the memories.”

“I love you, and I so appreciate you and what you have given to the world over the last 19 years. The contribution is endless,” sey ni Jen sa philanthropic efforts ni Ellen at nakapamigay ito ng higit $400 million in donations to charities.

Bago pag-isipan ni Ellen ang next chapter sa kanyang career, lilipad daw muna sila ni Portia sa Rwanda kung saan tinutulungan ng Ellen Wildlife Fund ang pagsagip at pagprotekta sa gorillas.

vuukle comment

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with