^

Pang Movies

Marian, binubuo pa ang kanilang dream house   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian, binubuo pa ang kanilang dream house            

Tahimik pa si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera tungkol sa dream house na ipinapatayo nila ng husband na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Isa ito sa naitanong kay Marian nang muli siyang mag-renew ng contract of 30 months as nag-iisang Ambassador ng Reverie by Beautederm Home. Kahit konting detalye ay ayaw niyang magbigay.

“Saka na ‘yun,” sabi ni Marian. “Kapag buong-buo na, hindi naman kami magdadamot, isi-share namin iyon sa lahat. Basta, puro Beautederm Home products ang makikita ninyo sa bagong bahay, pagpasok pa lamang.”

Sa muling pag-renew ng contract ni Marian after 2018, nabuo ang love and friendship between her and Ms. Rhea Anicoche-Tan, President & CEO of Beautederm Home. Itinuring na nilang sisters ang isa’t isa at nasabi na nga ni Ms. Rhea na “mawala na ang lahat, huwag lang si Marian sa Beautederm.”

Running Man, may cast reveal na

Hinihintay na cast reveal ng bubuo sa bagong program na gagawin ng GMA Network, with partnership sa Seoul Broadcasting System of Korea, ang reality game show na Running Man Philippines.

In 2010, isa ito sa show sa South Korea, na a group of celebrities compete in outrageous missions to win prizes and avoid penalties. Ilan sa mga sumali na sa game show ay ang mga sikat na Korean stars and singing group tulad ng BTS, Blackpink, Big Bang, si Gong Yoo at si Lee Min-ho.

Sinu-sino nga kaya sa multi-talented Kapuso stars ang bubuo sa reality game show na balitang sa Korea isu-shoot. Sino kaya ang magho-host nito?

Ngayong gabi ang cast reveal sa 24 Oras.

Kylie, nahirapang magbilyar

Dahil may dalawang malilikot na anak si Kapuso actress Kylie Padilla, for three years pala ay namahinga muna siyang tumanggap ng project sa GMA Network. Paminsan-minsan ay naggi-guest siya sa GMA, until ini-offer sa kanya ang Bolera na story tungkol sa isang billiard player.

Hindi niya natanggihan ang offer dahil na-challenge agad siya sa role na gagampanan niya. Sa interview kay Kylie, sinabi niyang hindi siya marunong maglaro ng billiard, lalo pa at left-handed ang role na ipu-portray niya kaya nag-research siya tungkol sa game at thankful siya sa GMA na binigyan siya ng coaches na gold medalists sa katatapos na SEA Games.

World premiere nila ng serye simula sa Monday, May 30, after First Lady.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with