^

Pang Movies

Coaches ni Kylie, gold medalists na

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Coaches ni Kylie, gold medalists na

Astig ang naging coach ni Kylie Padilla sa billiard para sa role niya sa co­ming Kapuso series niyang Bolera.

Nanalo ng gold sa billiards sa South East Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang naging coaches ni Kylie na sina Rubilen Amit at Johann Chua.

Bahagi ng congratulatory message ng Kapuso actress sa dalawa, “I’m so proud na estudyante nyo ako. Alam ko naman na kaya nyo ‘yan at mananalo kayo so hindi na ako nagulat. Pero congrats pa rin. Congratulations sa gold nyo!”

Si Rubilen ang naging script consultant ng upco­ming sports drama habang si Johann ang naging tutor ni Kylie sa billiards.

BV ng DongYan, winner

Panalung-panalo sa ratings ang pilot episode ng Jose and Maria’s Bonggang Villa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Hindi nagkamali ang mag-asawa na gawin ang dream project nilang sitcom. Eh sa sitcom, maning-mani para sa mag-asawa ang patawanin ang mga manonood.

Likas man kay Marian ang magpatawa nang gawin ang Color of  Money sa GMA, makikita namang nakakasabay na si Dong sa kakikayan at kabaliwang ginagawa ni Yan sa sitcom, huh!

Naku, mas marami pang aabangang kakakilig, nakakiliti at nakakatawang eksena sina Dong at Yan sa susunod na episodes, huh!

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with