^

Pang Movies

Ian, guminhawa kay Ogie!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ian, guminhawa kay Ogie!

Malaking ginhawa ang naramdaman ni Ian Veneracion nang maging bahagi ng A Team management ni Ogie Alcasid. “Makakapag-concentrate na ako sa gusto kong gawin for example, concepts for concerts or for movies or anything.

“So malaking bagay, malaking tulong para sa isang artist to hone your craft creatively, ‘di ba?” pahayag ni Ian nang pormal siyang i-welcome ng A Team boss Ogie sa isang press conference.

“I am very grateful to the support of A Team in all aspects of my career,” dagdag pa ng singer-actor.

Music ang passion ngayon ni Ian at sa pagiging singer, nakaradam siya ng sarap sa pagbiyahe sa ibang bansa na kinakantahan ang mga kababayan. “Gusto kong ulitin ‘yon with Tito Ogie,” sabi pa ng singer-actor.

Mutual ang pagkagusto nila sa isa’t isa ni Ogie na magtrabaho kaya hindi masabi ni Ian kung ilang taon ang pinirmahan niya sa A Team. “It’s out of friendship kaya very light ang partnership namin ni Ogie,” diin ni Ian.

Si Ogie ang unang naniwala kay Ian bilang singer. “He produced a concert  for me. I felt the warmth and acceptance. Siyempre mahirap makuha ang tiwala ng nandoon na so I am just so happy na they welcomed me in the music industry with open arms! Sobrang welcoming at nakaka-encourage!” rason niya.

At sa pakikipag-deal with Ogie, aminado si Ian na wala silang naging conficts ng manager niya.

vuukle comment

IAN VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with