^

Pang Movies

Julie Anne, limitless ang kaligayahan  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Julie Anne, limitless ang kaligayahan               

Confidently happy is how Julie Anne San Jose describes herself these days. Limitless daw ang nararamdaman niyang kaligayahan.

May kinalaman ba si Rayver Cruz, sinasabing current love of her life? “Love always makes one ultra happy. But, in my case, its more than that,” ani Julie Anne.

“Malaki rin ang kinalaman ng aking documentary-concert series Limitless! A musical trilogy. Na, hopefully, hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ay maipalabas.”

No need to tell you, too, na limitless din ang magagandang nangyayari sa kanya, lalo’t when it comes to her endorsement. She has quite a number these days.

No need to tell kung anong mga produkto ‘yun. Basta, limitless din natural ang kanyang kinikita.

Ngayong araw magbi-birthday si Julie Anne.

Pacquiao, tanggap na ang nangyari sa kanya

Tanggap na ni Pambansang Kamao Senator Manny Paquiao, na may bago nang Presidente ang ating bansa.

Hindi man niya i-articulate, he’d wish, like most of us, not just good luck, but tremendous wishes na mabigyan ng bagong Pangulo (referring of course to Bongbong Marcos) ng higit na magandang buhay tayong mga Pilipino lalo na.

Well, let’s all pray na mangyari ito, Senator Manny.

Sweet, mas priority na ang pagdidirek

Tanggap na pala ni John “Sweet” Lapuz na wala na siyang career bilang komedyante.

Kaya, welcome na welcome daw kanya ang pagkapili para magdirek ng bagong sitcom ng mag-asawang Marian Rivera at Dindong Dantes, Jose & Maria’s Bonggang Villa.

Co-producer din ng sitcom ang mag-asawa, na huling nagtambal 10 years ago.

Pamilya Revilla, waging-wagi

Si Strike Revilla pala ang bagong elected mayor ng Bacoor City, na iiwang puwesto si Mayor Lani Mercado na nanalo namang congresswoman sa nakaraang eleksyon.

Kaya raw, naniniwala ang mga taga-Bacoor, na nasa mabuting ‘kamay’ pa rin sila.

Si dating Mayor Lani, well, ng Bacoor, ay kabiyak ni Senator Bong Revilla, elder brother ni Mayor Strike.

Na-elect din bilang Congressman ng another district ng Cavite si Jolo Revilla, na kasalukuyang Vice Governor ng Cavite province mismo.

Ganundin si Bryan Revilla para naman sa Agimat Partylist

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with