^

Pang Movies

Andrea, mas kailangan ng pangaral

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Andrea, mas kailangan ng pangaral

Sa halip siguro na takutin ng talent manager na si Becky Aguila ang mga nagko-comment kay Andrea Brillantes ng cyber bullying, mas maganda, na unahin niyang kausapin si Andrea at pangaralan. Kasi nga baka dahil din sa mga posting ni Andrea kaya nagkakaroon ng negative comments. Like ‘yung sinabi niya na mga bobo ang followers ni BBM, imposible na walang mag-react.

Saka hindi nakukuha ngayon sa ganyang panakot ang tao, mas maganda ang ayusin kung ano ang mali ng alaga para makaiwas pa sa gulo. Mabait si Becky  at palagay ko naman ay level headed siya para makita kung saan ang mali.

Andrea Brillantes is still new, kaya madali pang ayusin. Kung gusto niyang maging big star, tingnan niya agad kung saan puwedeng meron siyang mali rubbing people the wrong way. Madali lang namang ayusin dahil mukha namang smart si Andrea.

Sana nga maging eye opener sa kanya ‘yung comments para maging maayos ang lahat.

Saka isa pang opinyon na sana huwag masamain nina Becky at Andrea, puwede namang maging vocal kung sino ang gusto mong suportahan, pero ‘di ba mas maganda kung medyo classy ‘yung dating? Huwag barok? Kasi sabi ko nga mas bawas boto ‘pag nainis ang iba, mas magandang suwabeng pakiusap lang, mas maganda ang dating. ‘Yun lang at babu.

Joshua, ‘di alerto

Cute naman ‘yung ginagawang pambubuska ni Vice Ganda kay Joshua Garcia. Parang reminder na sana maging maayos ang trabaho nito dahil parang laging wala ito sa sarili.

Dapat talaga ang mga ganitong reminder para laging in attention ang isang tao. Baka dahil dito hindi pa matuloy ang pagiging hot star ni Joshua. Mas maganda na ‘pag binigyan ka ng ganitong reminder sundin mo agad para rin sa kapakanan mo.

Mas lalo pa siguro mas magiging maganda ‘pag naging laging alert si Joshua para mas mukha siyang energetic at witty. Cute pa naman siya kaya mas bagay kung aside from his looks mukha rin siyang brainy, ‘di bah!

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with