^

Pang Movies

Kylie, may takot sa pagiging senador ng ama   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kylie, may takot sa pagiging senador ng ama              

Ayon kay Kylie Padilla, hindi pa nagsi-sink in sa kanya na senador na ang amang si Robin Padilla at ayaw raw niya ipasok sa isip na anak na siya ng isang Senador. “Ayokong ipasok siya sa utak ko. Just to keep me grounded,” ani Kylie sa panayam ng 24 Oras.

“Siguro when I see my Dad, tapos makausap ko na siya, ‘yun, siguro du’n siya mag-sink in pero ayoko talaga siyang (ipasok sa isip na) ‘I’m a Senator’s daughter,’” patuloy ng panganay na anak ni Binoe.

Pero proud daw siya dahil mas marami pa raw matutulungan ang ama niya ngayong senador na ito.

Likas nga raw kasi sa ama ang pagiging matulungin kaya hindi na rin daw siya nagulat na nangunguna ito sa bilangan.

Aminado si Kylie na may takot at pag-aalala rin sa kanila ngayong magiging senador na ang ama. “May mga fears din kami, siyempre, politics ‘yan, eh. Kahit ano ang mangyari, may fears ka, magulo. Pero  if I’m just thinking about what my Dad wants, his dreams, mga gusto niyang mangyari para sa mga tao, I’m happy for him and I’m proud of him,” sey ng aktres.

Angel, itutuloy ang radikal na pagmamahal sa bayan

Naglabas ng mahabang post si Angel Locsin sa kanyang Instagram hinggil sa katatapos lang na eleksyon. Aniya ay umaaasa siya sa na magiging maganda ang pamumuno ng bagong administrasyon.

Nagpalasamat din siya sa sinuportahang Presidential candidate na si Vice President Leni Robredo sa pagpapakita sa kanila ng kalmadong pagtanggap ng pagkatalo.

“Thank you VP Leni for showing grace in defeat last night. A true leader indeed. Reminding us na isa sa mga ipinaglaban natin ay ang demokrasya. Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority bilang ka-isang bansa.

“For our country’s sake, I’m rooting for our presumptive president, vice president, & senators. I’m hoping they’ll do better than our past leaders. I am a Filipino citizen hoping to be proven wrong. Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo,” bahagi ng pahayag ni Angel pagkatapos dumalo sa ginanap na Thankgiving rally noong Biyernes ng grupo nin VP Leni.

Nagbigay rin ng mensahe si Angel sa kanyang mga kapwa-Kakampinks.

“Despite everything, Saludo sa lahat ng tumindig. Hindi ko makakalimutan ang pagmamahal sa bayan na pinakita ninyo. Huwag hayaang mabalutan ng dilim ang liwanag na nasa puso ninyo. Ngayon, higit pa man, mas kailangan kayo ng bayan. Buksan ang inyong mga mata at puso para sa bayan,” aniya.

Masaya rin naman daw siya na finally ay makakapag-rest na si VP Leni.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with