^

Pang Movies

Alden, rumampa sa premiere ng Stranger Things

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alden, rumampa sa premiere ng Stranger Things

Nasagot ang tanong ng mga hindi pa nakakaalam ng rason ng paglipad ni Alden Richards for New York. Um-attend pala siya ng premiere ng Season 4 ng Netflix series na Stranger Things. Ginawa ang premiere night sa Net­flix Brooklyn noong May 14, 2022.

Um-attend din si Alden sa After Party ng premiere at may photos kaming nakita na ini-interview siya. Nag-red carpet din siya sa premiere night, kaya wish ng kanyang fans, masundan pa ang mga ganitong event sa Asia’s Multimedia Star.

Hinihintay namin kung may photos si Alden with the cast of Stranger Things kahit kay Millie Bobby Brown. Favorite series ni Alden sa Netflix ang Stranger Things.

May nag-post ng OOTD ni Alden sa premiere night, pero hindi pa pinepres­yuhan ang suot nitong Christian Dior Homme CD Buckle Blue Belted Jacket.

Sa May 17 ang balik ni Alden from New York, magpapa-swab test lang siguro ito at tuloy na uli ang taping ng Start-Up series nila ni Bea Alonzo sa GMA 7.

Angel, may katungkulan sa Angat Buhay Foundation

May katungkulan pala si Angel Locsin sa Angat Buhay Foundation na inilunsad ni VP Leni Robredo noong Thanksgiving niya sa mga sumuporta at bumoto sa kanya.

Sa nabasa namin, si Angel ang in-charge Angat Buhay (Disaster and Emergency Relief).

Hindi kami sure kung legit ito at kung tama ang mga nabasa namin.

Natuwa ang kanyang fans at Kakampinks na alam ang malaking tulong ni Angel sa kampanya ni VP Leni at Sen. Kiko Pangilinan. Dapat lang daw na kilalanin ang tulong niya at umaasa ang fans ni Angel na walang kapwa artista na nangampanya rin kina Leni-Kiko ang magreklamo.

Baka mamaya, may magtanong ng “bakit si Angel? Bakit ako wala?”

Nabasa rin namin ang pangalan ni Sen. Kiko at siya naman ang napi­ling Angat Buhay (Agrikultura) at Atty. Chel Diokno para sa Angat Buhay (Karapatan).

Dennis, madamdamin ang pa-birthday kay Jennylyn

Larawan habang nanganganak ang ginamit ni Dennis Trillo sa kanyang post in greeting his wife Jennylyn Mercado a happy birthday.

Sabi ni Dennis, “Ang role mo bilang babae, bilang ina at asawa, napakahirap pala. Bilib ako sa’yo, kasi kayang kaya mo lahat, you make it look so easy! Ang swerte namin na kasama ka namin sa mga buhay namin, kaya nandito lang din kami parati para sa iyo. i love you, happy birthday mahal ko.”

Birthday ni Jennylyn kahapon, May 15, at kasisilang lang niya ng baby daughter nila ni Dennis na Baby D ang kanilang tawag. Magkasunod ang birthday nina Jennylyn at Dennis na nag-birthday noong May 12.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with