^

Pang Movies

Angel, luhaan pa rin   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Angel, luhaan pa rin              

Bagama’t ilang araw na ngang tapos ang eleksyon at matatapos na rin ang bilangan kung saan nga ay si Ferdinand “Bongbong” Marcos ang nangunguna sa Presidential race, hindi pa rin natatapos ang matinding kalungkutan ng mga Kakampink na umaasang mananalo si Vice President Leni Robredo.

Sa isang post ni Angel Locsin ay may nagtanong nga sa kanya ng “umiiyak ka rin ba katulad namin?”

Sinagot naman ito ni Angel at sinabing malungkot siya pero taas-noo pa rin.

“Malungkot but taas noo. Ituloy natin ang nabuong malasakit sa bayan at sa kapwa proud to have fought alongside you,” ani Angel.

Sagot naman ng Kakampink netizen, “kahapon..hirap magtrabaho... hirap ngumiti, hirap tanggapin....”

Nakisimpatiya naman si Angel sa nararamdaman ng kapwa-Leni supporter at pinayuhang kailangang bumangon alang-alang sa kanilang ipinaglaban.

“Naiintindihan ko. Pero kailangan bumangon kundi mapupunta lang ang lahat ng mga sacrifices and efforts natin sa wala di ba? Pag ready ka na:),” payo ni Angel.

Andrea, mangiyak-ngiyak sa panalo ng UP

Proud girlfriend si Andrea Brillantes nang manalo ang ang UP Fighting Maroons ng boyfriend na si Ricci Rivero over Ateneo Blue Eagles in UAAP championship held last Friday.

Talagang hindi pinalampas ni Andrea na makapanood sa final game at pagkatapos na pagkatapos ng shooting niya ay sumugod na agad sa Mall of Asia Arena.

Bago nga pumunta sa venue ay nag-tweet pa ang aktres ng “just finished with my shoot huhu sana makahabol ako pls pls pls.”

May video pa si Andrea na ipinost kung saan ay makikitang tumatakbo siyang pumasok sa venue at tuwang-tuwa na umabot siya.

Makikita ring nakasuot pa ng jersey ni Ricci si Andrea at may hawak pang banner.

Nang manalo ang team ni Ricci, nakunan din si Andrea na teary-eyed dahil sa tuwa.

Sa panayam ay sinabi ng aktres na napakasaya niya. “Sobrang iyak ako nang iyak sa saya. Dasal ako nang dasal talaga sabi ko nagtitiwala lang ako sa kaniya. May tiwala ako,” sey ni Blythe (real name ni Andrea).

After the game ay nag-post si Andrea ng larawan with Ricci at binati niya ang BF for the win.

“Congrats Champ!!,” caption ni Andrea.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with