^

Pang Movies

Aga at Maris, magtatambal sa TV5  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Aga at Maris, magtatambal sa TV5             

Sophomore student taking up Business Ad ang kambal na babae nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Atasha.

She took up online classes bago nag-enrol sa isang university in Nottingham in England.

Her twin brother, Andres, meanwhile is enrolled naman in a university in Spain.

Sa tuwing bakasyon, either nagkikita-kita sila rito sa Pilipinas, o kung hindi sa US.

Wala pa raw both na kaseryosong romantic involvement ang dalawa.

Both are 21 years old.

Meanwhile, may bago raw na project na gagawin si Aga na ang producer at direktor ay sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone.

Isa raw itong series na wala pang tiyak na title, bagama’t sa Baguio City raw ang location.

May gagawin din si Aga sa TV5 na posibleng live ang airing at ang makakasama niya ay si Maris Racal.

First time na magkakatrabaho ang dalawa, but since parehong masayahin, tiyak daw na magkakasundo ang dalawa.

Joshua, laging to the rescue kay Jane

Magiging ultra disappointed kami, Salve A., kapag hindi na naman natuloy ang “pagsasahimpapawid” ng Darna: The TV Series with Jane de Leon playing this time the title role.

Kabilang na, tiyak namin, si Ate Vi (Vilma Santos), na minsan ding gumanap na Darna, na labis na ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga.

“Si Ate Vi, lumilipad,” tuwang-tuwa na saad ng marami. Kabilang na si Mars Ravelo, na siyang may likha ng “super heroine” sa isa niyang komiks publication.

Ang batang superstar noon na si Niño Muhlach ang gumanap na Ding, bagama’t ang naging leading man ni Ate Vi ay si Al Tantay.

Si Celia Rodriguez naman ang gumanap na ‘babaeng ahas,’ si Veronica Jones bilang ‘babaeng lawin.’

Sa Darna: The TV Series, si Joshua Garcia ang leading man ni Jane.

Marami nang eksenang nakunan sina Jane at Joshua, at to the max daw ang samahan ng dalawa.

Since marami ngang eksenang kailangang magpalit ng costume si Jane, from supposed plain Jane, well, to Darna, palaging to the ‘rescue’ raw si Joshua.

Yes, siya ang nagsisilbing ‘shield’ ni Jane tuwing magpapalit ito ng damit.

Si Chito Roño ang direktor. Na napakagaling din.

Isa pang dahilan kung bakit dapat talagang abangan ito.

Richard, tiyak na pinagmamalaki ng nanay

Do you know that Richard Gomez’s mother is former sexy star Stella Suarez?

No longer active sa showbiz, balitang sa ibang bansa na naninirahan si Stella.

Ganunpaman, ipinagmamalaki raw ni Stella na si Richard na kanyang anak ay nanalong congressman ng 4th district ng probinsya ng Leyte.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with