^

Pang Movies

Solenn at Nico, planado ang second baby  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Solenn at Nico, planado ang second baby             

Handa na raw for baby number two si Solenn Heussaff.

Dahil two years old na raw ang panganay nila ng mister niyang si Nico Bolzico na si Thylane Katana or Tili, puwede na raw nilang pag­handaan ang magiging kapatid nito ngayong 2022. “Yes! Ready na kami for baby number 2. The clock is ticking and I’m not getting any younger. Kaya okey na magkaroon ng isa pang baby,” sey ni Solenn who will turn 37 na sa July.

Dagdag pa ni Solenn na tama lang daw yung two or three years na age gap kung sakaling magkaroon ng kapatid agad si Tili.

Pinabinyagan na nina Solenn at Nico si Tili noong nakaraang May 7. On Instagram, pinost ni Nico ang isang short video ng binyag ni Tili.

Pinanganak si Tili noong Jan. 1, 2020. Dahil biglang nagkaroon ng pandemic, na-delay ang pagbibinyag kay Tili. Ang pinsan naman ni Tili na si Dahlia na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff ay nabinyagan na noong nakaraang March.

Former PBB housemate, tumodo na sa paseksihan

Tinuluy-tuloy na ng former Pinoy Big Brother housemate na si Josef Elizade ang pagkakaroon ng sexy and bold image.

Inamin ng aktor na hindi raw madaling tanggapin agad ang magkaroon ng sexy image. Pero dahil gusto na raw niyang magkaroon ng pagbabago sa kanyang acting career kaya hinamon niya ang sarili niya na gawin ang mga maiinit na eksena sa sexy-dramas na Ex-Deal 2 at Doblado ng Vivamax.

“I had some hesitations accepting the project dahil nga ayokong mabigo. Kasi nga siyempre, kinakabahan ako. Parang ready na ba ako? Puro pa-cute lang ako dati, patawa. So it’s a new environment for me and it’s a different style of acting also. I had to think about it muna, kung magagawa ko ba, kung kaya ko ba,” sey ni Josef.

Hindi basta-bastang sexy scenes ang ginawa ni Josef sa dalawang pelikula. May butt exposures siya at very graphic ang sex scenes niyang kasama ang sexy stars ng Vivamax na sina Denise Esteban, Angela Moreno at Rob Quinto.

Produkto si Josef ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Ka-batch niya sina Beauty Gonzalez, Robi Domingo, former Miss World Philippines Valerie Weigmann at ang winner at vice governor ng Oriental Mindoro na si Ejay Falcon. Lumabas din siya sa mga Kapamilya teleserye na My Girl, Tayong Dalawa, Magkaribal, Kristine, Angelito: Batang Ama at FPJ’s Ang Probinsyano.

Britney Spears, matapang na naghubad

Walang takot na nag-post ng kanyang nude photos ang American pop star na si Britney Spears sa Instagram.

Nakahubad si Britney at natatakpan lang ng kanyang kamay ang kanyang dibdib. Mayroon namang takip na heart sticker ang maselang bahagi ng kaniyang katawan.

“I love you all SSSSSSSSSOOOOOOOOOO much,” caption pa ni Britney sa caption sa kanyang nude photos.

Almost 100,000 likes na ang naturang post ni Britney. Kinunan daw ang nude photo ng singer bago pa niya nalaman na buntis siya sa baby nila ng fiance na si San Asghari.

Gusto lang ipakita ni Britney ang fit body niya bago ito lumobo dahil sa baby na nasa tiyan niya ngayon.

Sa isang nude post, nilagyan ito ng caption ni Britney ng: “Don’t underestimate the power of doing it myself and shooting with a selfie stick!!! Photo dump before there was a child. inside me!!!”

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with