^

Pang Movies

Marian, tagapirma rin ng tseke sa sitcom

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian, tagapirma rin ng tseke sa sitcom

Mas challenging ngayon para kay Marian Rivera ang pagiging co-producer ng sitcom nila ni Dingdong Dantes na Jose and Maria’s Bonggang Villa.

Naranasan na noon ni Yan ang pagiging producer sa isang pelikula. Eh ngayong nagbabalik siya sa one of the producers, sumasakit ba uli ang ulo niya sa gastos? “Ang naaalala ko lang, pumipirma lang ako ng tseke at kinukuha nila!” say ni Yan sa presscon ng sitcom na mapapanood na sa Mayo 14.

“Nakakatuwa naman dahil first time ko ‘to. Actually, pangalawa na. Dito talaga ako mas involved talaga especially ‘pag may maggi-guest.

“Tinatanong nila kami.’Okey ba sa inyo? Sino gusto niyo?’ So nakakatuwa na involved kami. ‘Ah okey ‘to.’

“’Yung script naman, wala kaming alalahanin dahil magagaling ang writers namin.‘Yun nga lang pirma lang ako ng tseke! ‘Yun lang muna! Ha! Ha! Ha!” diin ni Marian.

Si John Lapus ang director ng sitcom.

Elijah, tinakbuhan

Patuloy ang paghahatid ng fresh episode ng Kapuso drama anthology na Magpakailanman.

This Saturday sa MPK, kuwento ng isang dalagang nabuntis at tinakbuhan ng nakabuntis ang matutunghayan.

Bida sa episode sina Lara Quimagan, Elijah Alejo at Vince Crisostomo.

Suwerte rin ng mga production staff, crew at artistang nabibigyan ng trabaho sa Magpakailanman, huh!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with