^

Pang Movies

Dating aktres na si Lindsay Custodio, ikinasal ulit

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dating aktres na si Lindsay Custodio, ikinasal ulit

Former Kapamilya singer-actress Lindsay Custodio was barely 40 years old nang siya’y maging batang widower nang sumakabilang-buhay ang kanyang unang mister sa vehicular accident, ang dating vice mayor ng Tanauan, Batangas na si Julius Caesar Platon III, ama ng kanilang dalawang anak na sina Sean Christopher (20) at Charisse (16). Pero pagkalipas ng mahigit tatlong taon ay muli siyang  nakatagpo ng bagong mamahalin sa katauhan ni Frederick Cale na kanyang pinakasalan sa pamamagitan ng isang intimate civil wedding ceremony na ginanap sa tanggapan ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi in Muntinlupa City nung nakaraang May 1.

Ilan sa mga personalidad na nakita sa civil wedding nina Lindsay at Frederick ay ang music icon na si Jose Mari Chan (na tumayong ninong). Naroon din ang showbiz friends ni Lindsay na sina Roselle Nava at ang mag-asawang Jan Marini at Gerard Pizzaras at iba pa.

Angeline at Winwyn, kabado sa pagiging ina

Sa unang pagkakataon ay nakatanggap ng Happy Mother’s Day greetings last Sunday, May 8, ang first time moms na sina Angeline Quinto at Winwyn Marquez mula sa kanilang respective non-showbiz partners at sa kanilang mga kaibigan.

Magkasunod na nagsilang ang singer-actress na si Angeline last April 27 na isang baby boy na kanilang pinangalanang Sylvio (mula sa first name ng kanyang adoptive mother na Sylvia) at baby girl naman sa actress at dating beauty queen na si Winwyn na si Baby Luna Teresita.

Sina Jennylyn Mercado at Rich Asuncion ay second time nang nagsilang ng kanilang mga baby habang ang iba pang expectant moms this year include Angelica Panganiban, Dimples Romana at ang misis ng Kapuso actor na si Rocco Nacino, ang professional volleyball player na si Melissa Gohing-Nacino.

Hipon, may semplang sa Q&A

Hindi man aminin ng dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowin na si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol, nagpa-enhance ito sa kanyang mukha laluna sa kanyang ilong bago na nakatulong sa kanyang bagong look ngayon. Ito rin ang dahilan kung bakit siya nakapasok sa 2022 Bb. Pilipinas at tangan niya ang No. 8 na isang lucky number.

Hindi Herlene kundi ang second name niyang Nicole Budol ang pangalan niya sa Bb. Pilipinas.

Although sumailalim si Nicole ng training at kasama na rito ang Q&A, malamang na dito siya masilat.

Ganunpaman, marami ang naniniwala na malaki umano ang chance ni Nicole (Herlene) na makapasok sa Top 5 winners.

Ano sa palagay mo, Salve A.? (hahaha. best of luck to her. - Salve)

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with