^

Pang Movies

Robin, itutuloy ang pagtulak sa charter change   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robin, itutuloy ang pagtulak sa charter change            

Overwhelming talaga ang result ng boto ni Robin Padilla sa katatapos lamang na eleksyon. Talagang ‘di siya natinag sa pagiging number 1 sa Senatoriables mula sa umpisa pa lang ng bilangan at hanggang sa sinusulat namin ito.

As we write ay nasa mahigit 97% na ang bilangan at nangunguna pa rin si Binoe with more than 26 million votes.

Sa panayam ni Binoe kay Jessica Soho, ayon sa aktor ay hindi rin niya ito inaasahan lalo pa nga’t wala siyang makinarya at pondo para sa kampanya.

“Wala po akong inaasahan kahit ano. Unang-una, wala po akong kahit ano. Wala po akong makinarya, wala po akong kahit ano… pera. Wala. Hindi ko po inaasahan ito.

“Ang akin lamang po ay paninindigan. Ang akin lamang po ay nananalig po ako sa Panginoong Diyos at tulung-tulong lang po ng mga naniniwala sa akin.

“Tulong ng katipunan, tulong ng mga rebolusyonaryo. ‘Yun lang po, wala akong inaasahan,” pahayag ni Binoe.

Nang tanungin kung ano ang naging dahilan ng pagiging number one niya sa laban, aniya, “naniniwala po ako na yung plataporma ko na charter change, ‘yung federalismo, ‘yung pagbibigay ng kapangyarihan sa mga lalawigan, bigyan sila ng kalayaan, sila po ay makagawa ng ayon sa kanilang kultura, tradisyon, kapaligiran, dun po ako naniniwala.

“Hindi po ako nangungumbinsi nang dahil kay Robin Padilla. Malabo pong mangyari.”

Nagpasalamat ang aktor sa lahat ng bumoto sa kanya at nangakong tutuparin ang mga inilatag na plataporma.

“Ang pakiramdam ko po ay masaya, siyempre po, pero mas higit po ‘yung responsibilidad na nakaakibat po sa atin sapagkat alam ko naman po, batid ko naman po na itong tagumpay na ito, hindi po ito patungkol kay Robin Padilla kundi tagumpay po ito ng reporma.

“’Yun pong ating ipinaliwanag na patungkol po sa pagpapalit ho ng saligang batas, ‘yung charter change. ‘Yun po ang plataporma natin na inihayag sa taumbayan,” he said.
Nagpasalamat din ang misis niyang si Mariel Rodriguez sa Instagram page nito.

Ejay, magpapaka-action star sa Mindoro

Isa rin si Ejay Falcon sa mga pinalad na nanalo sa mga artistang tumakbo ngayong eleksyon. Tumakbong Vice Governor ng Oriental Mindoro ang aktor at sa kanyang Instagram post ay nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta sa kanya.

“Sa lahat po ng nanindigan, nagpakita ng suporta, nagtiwala, nagmahal at bukas palad na tumanggap sa isang Ejay Falcon, hindi bilang artista kundi bilang isang kababayan nyo na nag nanais maglingkod ng buong puso, MARAMING MARAMING SALAMAT PO.

“Hindi naging madali ang laban pero bawat isa po sa sa inyo ang dahilan kung bakit po tayo nagtagumpay. Ilang beses po tayong ibinaba, minaliit at hinusgahan pero kayo po ang nag angat at nag panalo sa isang Ejay Falcon.

“Utang ko po sa inyo ito at hayaan nyo pong bayaran ko kayo ng tapat at malinis na paglilingkod.

“Umasa po kayo mga kababayan ko na may action star po kayo na magtatanggol at tutulong para sa kapakanan at interes ng lalawigan at magbibigay ng dobleng aksyon para sa mga mamamayan,” ang bahagi ng mahaba’t madamdaming mensahe ni Ejay.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with