^

Pang Movies

First-time voters sa showbiz, pinag- isipan ng masama

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
First-time voters sa showbiz, pinag- isipan ng masama

May mga nag-react sa post nina Gary Valenciano, Rayver Cruz, at Catriona Gray na first time nilang bomoto sa katatapos na eleksyon. Sa tanda na raw nila at sa tagal na nila sa Pilipinas at sina Gary at Rayver ay dito pa isinilang, tapos ngayon lang sila boboto?

Hindi bale na raw si Cat­riona dahil ilang years pa lang ito sa bansa, pero ang hindi nagustuhan ng netizens ay parang may alam daw sa pulitika kung magsalita eh, ngayon pa nga lang bumoto.

Tinanong sina Gary at Rayver kung ano ang ginawa nila from the time na puwede na silang bomoto tuwing may eleksyon? Tanong pa sa tatlo, kundi raw ba tumakbo si VP Leni Robredo at sa kaso ni Gary, kundi raw ba tumakbo si Sen. Kiko Pangilinan na bise presidente, magpaparehistro kaya sila para bumoto?

May mga nagpahayag ng disappointment kay Gary, pero sigurado namang may valid reason si Gary kung bakit ngayon lang siya bumoto. Ganu’n din siguro sina Rayver at Catriona.

Lumalabas tuloy na hindi lang ang tatlo sa mga celebrity na first time bumoto. May binanggit ang netizens na sikat na showbiz couple na last year lang nagparehistro, kaya first time rin nilang makaboto. May isa pang showbiz couple na first time ring bumoto gayung matagal na silang residente ng Pilipinas.

Coco at Mayor Vico, gusto pang ipa-cancel

Tapos na ang eleksyon at may partial result na nga, pero may ilan pa ring Kakampink na tuloy ang pagkaka-cancel sa mga celebrity na sa tingin nila ay hindi tumindig at nanindigan.

Isa rito si Coco Martin na hindi raw nagpahayag ng suporta kina VP Leni at Sen. Kiko Pangilinan at nanatiling neutral.

Ganu’n din ang rason sa pagpapa-cancel kay Pasig City Mayor Vico Sotto, nanatiling neutral hanggang sa araw ng eleksyon. May nag-isip pa na baka si BBM ang ibinoto nito. Ang basehan, landslide ang pagka­panalo ni Vico sa Pasig at leading sa Pasig si BBM.

Sen. Ping, napuri sa pag-uwi

Majority ng comment sa tweet ni Sen. Ping Lacson na uuwi na siya ay positive ang reaction, may nakasingit lang na inaway pa rin siya.

Tweet ni Sen. Lacson, “I’m going home. After being away too long looking after the needs of other people, it is time to serve my family for a change. Enjoying peace and quit in these challenging times will probably be my life’s greatest reward.”

Isa sa nag-comment si JV Ejercito na ang sabi, “You are probably the best President we never had. I salute you Sir!” na sinang-ayunan ng marami.

May mga tumawag kay Sen. Lacson na “My President” at nagpasalamat sa leadership na kanyang ipinakita at sa public service na hindi raw matatawaran.

 Nababasa ni Sen. Lacson ang mga comment sa kanya at paniguradong natutuwa ito dahil may naka-appreciate sa kanyang ginawa as a public servant.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with