^

Pang Movies

Marian, may pangako sa mga OFW

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Marian, may pangako sa mga OFW

Kahapon, Sabado, May 7, napanood sa GMA Network ang special documentary featuring Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na may titulong Miss U: A Journey to the Promised Land.

Dinirek ang TV special ng aktor at asawa niyang si Dingdong Dantes, na tungkol sa pagiging ina kung saan na-highlight ang resiliency at optimism ng mga Pinoy, na bagama’t wala mang kasiguraduhan ay ‘di nawawalan ng pag-asa para sa magandang bukas.

Isasalaysay nito ang kuwento tungkol sa dalawang Pinay na sa ‘di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo sa Promised Land.

Nang maimbitahan si Marian bilang judge ng Miss Universe 2021 pageant sa Israel, ‘di maiwasang mag-alala ng aktres na sa unang pagkakataon ay napahiwalay sa mga anak, dahil sa loob ng nakalipas na dalawang taon ay nanatili lamang sila nang sama-sama sa loob ng kanilang tahanan sa gitna ng pandemya.

Sa kanyang paglalakbay, nakilala niya ang kapwa-Pinay na nagtratrabaho sa Jerusalem. Sa kanilang pagbabahagi ng mga kuwento bilang ina, may kakaibang pagbubuklod ang nabuo sa kanila, kung saan natuklasan ni Marian na pareho sila ng pinagdaanan ng OFW dahil ang kanyang mismong ina ay nagtrabaho rin noon sa Spain at kinailangan siyang iwan sa kanyang lola Francisca.

Moved by their encounter, nangako naman si Marian na makakarating sa mga anak ang mensahe ng OFW na balang-araw ay makakauwi rin ang kanilang ina.

Panoorin ang replay ng Miss U: A Journey to the Promised Land ngayong araw, May 8, at 9:45 p.m. sa GTV and Heart of Asia Channels.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with